Maria Luz POV
At dahil madilim narin hindi ako lalo nahalata sa tubig. Nakakita ako ng papalapit sakin kaya lumubog ako sa tubig.. Paunti unti itong lumusong sa tubig. Akala niya ba maiisahan niya ako? Mukha niya! Di ako magpapakita no.
Nakalubog lang ako sa tubig pero randam kong malapit lang siya sakin. Pero minsan talaga kahit sinabi mo na. Kahit pa ipangako mo pa. Mababali at bibigay ka din. Tulad na lang nung bata ako sinabi ko kay lola na hindi na ako iihi sa kama pero umihi parin ako nakakatamad kaya pumunta pa sa cr sa oras ng hating gabi! At gaya ngayon paunti unti na ako naghihirapan huminga. Alam kong hindi ko na kaya.
"Hays! Eto na ako jasper! Nakakainis ka naman nalaman mo pang nandito ako!" Inis na sigaw ko. Naaamoy kaya talaga nila ako? Hinanap ko naman siya pero hindi ko makita.
Nasaan na yon? Nagpalinga linga pa ako pero wala talaga? Bigla na lamang may naglubog sakin.
Shit! Hindi na ako makahinga! Dahil biglaan yung paglubog sakin napasukan pa ako ng tubig sa ilong. Sino ba to? Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko talaga kaya masyado siyang malakas!
Papatayin niya ba ako? Kinalmot ko naman siya at pilit paring umaahon. May nakapa naman ako sa braso niya.
Ano to?Bracelet?
At dahil mawawalan na ako ng hininga konti na lang. Hindi na ako nagabala pang isipin yung bracelet.
Paunti unti ko naman naramdaman yung hilo. At huli na ng maisip kong tuluyan na.. Paulit ulit niya akong sinaksak.. Ang huli kong nasilayan ay ang pagkulay pula ng tubig..
Jasper POV
"Nasaan na kayo?" Patuloy lang ako sa paghahanap. Pumunta ako sa malapit sa pampang.
"Nasaan na ba yung mga yon? Hays!" Tumingin ako sa kaliwa. Sa kanan. Sa baba. Hays! Naiihi na ako ay! Aalis na sana ako ng-
"Aray!" Sabay naming reklamo ni? Tumingin naman ako sa kanya. Sunod naman akong napatingin sa kasama niya na kakababa lang ng puno.
"Sabi mo hindi tayo agad mahahanap diyan!" Inis na pinagpag ni rafael ang pwetan niya.
"Kung hindi ka ba naman lampa sana hindi tayo agad nahuli" parang nagsasalita siya sa isang balagtasan. Si Harold
Dito pa talaga nila naisipan na magtago? Pero dahil naiihi na ako tumakbo agad ako papunta sa likod ng rest house.
"Tan*na! Jasper?!" Malakas na sigaw ni ayson? Napatingin naman ako sa kanya nasa likod ko siya habang nasa likod naman niya yung isang kubo.
"Hoy! Ano pang tinutunganga mo diyan! Itago mo na yan!" Agad agad ko namang itinago pero-
"Ayson nakita mo na si maybelyn?--jasper?" Biglang nagulat si ryan ng makita ako pero dahil sa pagdating niya lalo akong nagmadali para isara zipper ko.
"Shit! Aray!" Napangiwi naman ako. Bakit ba kasi ako minamadali ni Ayson eh hindi naman kami close.
"Naano ka diyan?" Tanong naman ni Don. Kapag swerte ka talaga hindi mo pa hinahanap dumadating na. Hindi mo pa hinihiling ibinibigay na.
"Alam kona.. Naipit Ano? Hahaha!" Nagtawanan sila pero ako napayuko na lang. Tama kasi sila naipit sa zipper. Ang sakit kaya!
Dahil sa hiya ay tumakbo na lang ako papunta sa cr para doon umihi. Pero dahil mas malapit sa pinto yung sa girls . Hindi na ako nagalinlangan na pumasok Don binuksan ko yung pangalawang cubicle at pumasok don.
YOU ARE READING
Rest in Shit!
Mystery / ThrillerI thought were friends.. I thought we will last forever.. Until you betrayed us.. Until we rest in shit..