Roa POV
Nandito kami ngayon sa sala ulit. Tahimik lang kami. Wala ni isang naglakas loob na magsalita. Parang sa isang iglap nawala yung lahat ng kalokohan namin. Kahit kaming mga lalaki parang biglang nanghina..
"Wala na si maam..mamatay na tayo..." Wala sa sariling sabi ni jasper.. Mabilis naman na hinawakan siya sa kwelyo ni Kyle. Napatayo naman kaming mga boys.
"Bakla kaba! Hindi tayo mamatay dito! Magpakalalaki ka naman kahit ngayon lang!" At binitawan niya narin ito. Mabilis na umupo narin kami. Nabigla lang din siguro siya. Tinignan ko naman yung mga girls.. Nakakatulala lang sila. Hindi sila umiiyak at iyon ang mas kinakatakot namin. Alam naming sa loob loob nila puno na sila na nang takot..
"Tayo tayo lang ang nandito.. Kaya-- posibleng nandito din yung.. Killer?" Nanginginig na sabi ni Marian. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa kanya ni ryan. Kahit kami nalilito sa sinasabi niya.
"Mahirap sabihin pero kahit tayo alam natin na posible yon! Ang sigurado lang ako nandito siya satin ngayon.. Kasama natin siya.. Malay niyo katabi niyo pa?" At kinilabutan kami sa ngiti niya. Sigurado ba siya? Doon lang din naging malinaw samin ang lahat.. Nandito nga siya sa amin... Pero--
"Pero sino? Ikaw ba!" Hindi tanong pero isang akusa mabilis na hinawakan sa kwelyo ni Aaron si Rafael. Agad naman namin pinaglayo ang dalawa.
"Umamin kana.. Lagi mo sinasabi sakin na gusto mong pumatay! Gusto mo gawin yung mga napapanood mo sa movie." Hindi naman kumibo si Rafael pero ilang saglit lang ay tumawa Ito.
"Hahaha.. Kung ako yung killer? Bakit buhay kapa?" At ngumiti siya ng nakakaloko. Hindi namin alam kung nanakot lang siya o seryoso siya?
"Kahit tanungin pa natin ang isat isa.. Walang kriminal na umaamin sa kasalanan niya. Kaya--" kahit hindi pa tapos magsalita si ryan pinutol na siya ni mhacey
"Dont trust anyone. Anyone can be the culprit" Nagtataka naman kaming napatingin sa kanya..
"Makaenglish lang bakla! Seryoso to wag niyong paduguin yung ilong ko!" Hindi ko alam kong matatawa ako pero seryoso din yung mukha ni mhacey.
"Seryoso din ako Ryan. Teka may kukunin lang ako." At mabilis siyang umakyat at ilang minuto lang din ay nakababa narin siya.
Aquarius POV
Nagulat na lang ako ng makita ko yung dala dala ni mhacey. Pano napunta sa kanya yon! Sinunog ko na yung library! F*ck! Kailangan malaman to ni zodiac! Pero hindi ako pwedeng umalis basta basta dito ngayon baka makahalata na sila.
"Eto tignan niyo yan. Diyan ko nakuha yung paalala na yon." Kinuha ko naman yung nilapag niyang libro.
"Pero mhacey saan mo to nakuha?" Tanong ko kinuha din agad sakin yon ni ryan. Shit! Mapapatay ako ni zodiac nito! Hindi ko inaasahan na may makakakuha pa nung libro na yon!
"Nakuha ko yan sa library nung lumilindol." At patuloy lang nila binuklat yung libro.
"Hindi ito isang libro mhacey. Journal. Sino naman kaya ang may ari nito?" Tinignan nila ang harap at likod nito pero wala talaga silang makitang pangalan. Luma na rin yung libro na yon.
"Babasahin ko sa tingin ko may makukuha tayo dito." Napatango naman ang iba pero hindi ako. Hindi nila pwedeng mabasa ang libro! Kapag nangyari yon masisira ang plano namin!
"Pwede na tayong mamatay ngayon pero May gana pa kayong magkwentuhan? Ano to para makatulog tayo at sunod sunod na patayin!" Inis na sigaw ko. Kahit hindi ako teatro pang FHM este MMFF yung acting ko no!
YOU ARE READING
Rest in Shit!
Misterio / SuspensoI thought were friends.. I thought we will last forever.. Until you betrayed us.. Until we rest in shit..