Jana POV
Bumangon ako sa higaan ko at nagipit ng buhok bago lumabas. Nakita ko naman sila shaira.
"Hoy! San kayo pupunta?" Nakita ko siya na dala dala ang bag niya.
"Ah ito ba? Hindi ba nasabi sa inyo na aalis na tayo dito?" Nagulat naman ako at agad na tumakbo pabalik sa kwarto.
"Yan gising! Guys gumising na kayo aalis na tayo" yugyog ko ulit sa kanila.
"Jana! Nagdadate na kami eh! Kahit sa panaginip ba naman may hadlang pa!" Inis na wika ni Marian. Bumangon na Ito at nagkusot ng mata. Sunod na bumangon na din sila rue.
"Aalis? Diba 5days tayo dito? Eh nasa 2 araw pa lang tayo" Gulat din na sabi ni Ayson
"Hindi ko din alam punta na tayo sa kwarto ng iba para sabihan sila" agad naman kaming lumabas. Sa laki nitong rest house na to Ewan ko ba kung rest house pang matatawag to!
Kahit na third year lamang ang nandito para sa mag school trip dami parin namin. Mabuti na lang by section yung bawat floor kaya agad kaming nakapagtipon para sabay na bumaba.
"Sigurado ba kayo girls na aalis na tayo?" Tanong ni Kyle karamihan sa boys ay nakasuot ng sando.
"Si shaira ang nagsabi sakin puntahan na natin sila sa baba para makasigurado kayo tss.." Sabay sabay kaming pumunta sa pinaka baba at nakita namin yung ibang section na paalis na at yung iba ay inaayos pa ang ibang gamit nila.
"Maam bakit po aalis agad?" Tanong naman ni franz
"Pasensya na sa inyo. Hindi ko pa din alam kung bakit bigla na lang tayo pinapauwi ng principal. Pero ang sabi ay may emergency daw sa school" so Iyon pala? Sayang naman! Napasimangot kami at agad na umakyat para ayusin ang gamit namin.
"Sayang! Hindi pa tayo nagtagal dito no? Ang saya pa naman" malungkot na sabi ni Ayson.
"Masyado naman ata biglaan no? Ganon ba kaimportante yung bagay na yon" inis na wika ni maybelyn.
"Kung alam ko lang sana pala sinulit na natin" Pagkatapos naming magayos ng gamit ay bumaba na kami.
Naabutan namin ang section A na paalis na.
"Maam? Bakit po wala ng ibang bus? San po kami?" Tanong ni ryan. Lahat kami ay naiinis sa biglaan na pagalis namin dito. Marami pa kasi kaming balak na gawin.
"Kanina tumawag yung driver natin. Ang sabi niya naaksidente daw yung bus ng section niyo." Anong kamalasan to?
"Pero maam kechos! Paano na kami? Tayo?" Madramang sabi ni don. Kung nasa normal na situation kami ngayon baka nagtawanan na kami. Hahaha
"Hihintayin nating bumalik yung bus ng section F kaya asahan niyong matagal pa kayo makakaalis dito." WTF! Kung wala ng camp, mas gusto ko pang matulog at magcp!
"Maiiwan ako dito kaya wag kayong magalala" ngumiti siya samin kaya Kahit papaano ay napagaan ang loob namin.
Ilang oras na kaming nasa isang malaking sala sa rest house nato. Kanina pa nakaalis ang section A.
"Masakit umasa pero aasa parin ako na dadating siya." Sabay hawak pa ni LA sa puso niya. Nagtawanan naman kami.
"Hahaha sinong siya? May hinihintay kapa nandito na nga ako" malanding sabi ni ryan kaya napangiwi na lang ako pero nagtawanan lang yung iba.
"Alam niyo guys sa tingin niyo babalikan pa kaya tayo non?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Ayson?
"Gaga! Malamang! Tiwala lang!" Sabay hawak nito sa dibdib nito na parang nasa flag ceremony. Ano konek?
YOU ARE READING
Rest in Shit!
Mystery / ThrillerI thought were friends.. I thought we will last forever.. Until you betrayed us.. Until we rest in shit..