Chapter 3

57 3 0
                                    

Aries POV

"Aries ano nang gagawin natin dito?" Nandito kami ngayon sa cr kung nasaan ang wala ng buhay na katawan ng isang babae. Actually hindi namin siya kilala pero kailangan naming gawin to. Nakakaawa siya.. Kaibigan pa talaga niya ang tumapos sa buhay niya. Sabihin na natin na tinulungan lang namin yung mga kaibigan niya na ilabas yung galit at hinanakit nila.. Pero aminado ako na kahit ako hindi ko inaasahan na ganon ang magiging epekto ng aero.

Flashback

"Pano mo ilalagay yan Aries?"  Tanong naman ni Capricorn sakin. Nandito kami sa cottage at lihim na sinusulyapan ang grupo ng mga babae. Naalala ko naman yung nangyari kanina. Tss.. Pinagtripan pa talaga nila ako! Nakakainis talaga yon. Napakaarte pa nung babae kanina. Alam ko naman na hindi talaga siya nalulunod kanina. Tinignan ko ulit yung picture sa cp ko na insend ni Zodiac. So sila nga? Nakita ko kasi sila na kasama ng babae sa picture kaya alam ko kaagad na sila ang pinunta namin dito ngayon.

Lihim na pumunta ako sa likod ng pader ng cottage nila. Bukas ang gilid nito kaya madali kong nakuha ang isang bote ng coke. Binawasan ko ng kaunti pa ang coke at  agad na nilagay ang aero..

"Sunugin niyo yung mukha.. At kailangan natin tanggalin lahat ng ebidensya." Sinunod naman nila ang sinabi ko. Tinignan ko ang paligid. Bakit feeling ko bihasa na sila sa pagpatay? Nilinis namin ang crime scene pero hindi naman na talaga kailangan.

"Nakikita niyo yung mga lalaki na yon? Dalin niyo sila dito at sigurado naman akong hindi sila tatanggi" at umalis narin kami para narin kami.

Rue POV

"Guys napanood niyo naba? Grabe kawawa yung babae!"

"Walang puso yung gumawa sa kanya non!"

"Balita ko hindi parin nahahanap yung gumawa sa kanya non eh!"

"Pano mahahanap kung mismo yung babae hindi na halos makilala sa mukha niya? Sinunog pa talaga nila!"

"Mga hayop ang gumawa non Hindi na tao!"

Habang naglalakad ako papunta sa room naririnig ko ang bulungan ng mga tao.. Hindi ko alam.. Sana patawarin niya ako.. Kami.. Parang gusto kong takpan o di kaya magpalamon sa lupa kahit pa na alam kong wala silang alam pakiramdam ko direkta nilang pinaparinig sakin ang lahat ng Iyon..

Mabilis naman akong nakarating sa room at nakita ko silang may kanya kanyang mundo.. Alam na kaya nila?

"Oh rue? Anyare bakit nakatulala ka diyan?" Tanong ni Marian at lumapit naman ako sa kanya.. Bakit parang wala lang sa kanya?

"Marian? Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya tinitigan ko siyang mabuti para hanapan nang konsensya Pero.. Wala akong nakita kahit bahid lang nang lungkot sa mga mata niya..

"Syempre naman! Nakakaloka ang tagal na naman ni Chritz! Sigurado late na naman yon!" Pailing iling pa na sabi niya nagulat naman ako.. Teka?.. Wala ba siyang alam? O nagpapaka inosente lang siya?

"Bakit ganyan ka makatingin!? Para naman akong kriminal sa mga titig mo!" Sabay hampas niya sakin.

"Gaga kaba? Wala ka ba talagang maalala?" Tanong ko naman di ko alam kung anong sasabihin o ipaparamdam ko sa kanya nagagalit ako.. Pero hindi lang sa kanila kundi para din sa sarili ko.. Hindi ko alam pano namin nagawa sa kanya yun..

"Ha? Anong sinasabi mo? Ang weird mo!" Kinuha niya na lamang yung cp niya at nanuod na lang kami nang isang movie habang nagkwekwento sa harap si maam amonsot.. Tss..

Rest in Shit! Where stories live. Discover now