Zodiac POV
"Ano ok lang ba ang lahat? Nasusunod ba yung Plano?" Tanong ko sa kanila nandito ako ngayon sa isang tagong kwarto.
"Ok pa naman zodiac nasunog ko na yung library bago kami umalis at sigurado akong wala na yon at naging abo na hahaha" sabay tawa ni Aquarius
"Siguraduhin mo lang dahil hindi pwedeng may makabasa nung libro na yon at masisira ang Plano natin." Serysosong sabi ko. Kailangan maging malinis ang lahat ng ito.
"Pero zodiac may problema tayo. Kasama namin ang ibang section at masyado pang Matagal bago sila aalis dito." Napaisip naman ako. Sabi ni Gemini hindi daw pwede na yung section lang nila yung mag school trip dahil magiging kahinahinala Ito.
"Ako ang gagawa ng paraan basta gawin niyo yung sinabi ko sa inyo Hindi kayo pwedeng pumalpak lalo kana! Masyado mo na nahakot ang lahat ng award sa kapalpakan mo!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at ipagmalaki sakin ang ilang MALIIT na bagay na nagawa niya tss..
"Principal Patilla.. Hindi ko na kailangan magpakilala sayo. Basta ako to- ang papatay sayo kapag hindi mo sinunod ang gusto ko." Narinig ko naman siyang biglang napa buntong hininga at nagsalita nang tila sa nanginginig na boses.
"Ano ba ang gusto mo! Nagawa ko na ang sinabi niyo! Nandyan na sila!"Pinipilit niyang mag pakatapang . Tss.. Ang alam ng mga magulang at estudyante ay may nagmabuting loob na magpahiram ng rest house nato para sa kanila pero hindi nila alam na ako yon tss..
"Pero masyado akong maraming gusto.. Hahaha. At wala kang magagawa kundi tuparin ang lahat ng gusto ko!" Sigaw ko bigla sa kanya. Ayaw niya ba non? Para na siyang si Santa!
"Ano ang gusto mo gagawin ko." Mukhang natakot ko siya.
"Sabihin mo na bukas na bukas ay umuwi na ang mga estudyante niyo ganon lang kasimple!" At tumawa ako ng malademonyo at binaba ko narin ang telepono.
Kahit di niya gusto. Kailangan niyang gawin.
Mhaicie POV
Tinignan ko ang maliit na wall clock.
"3:00 na pala." Mahinang bulong ko madaling araw na..
Dahil hindi ko narin nagawang makatulog ulit pumunta ako sa bag ko para hanapin ang cp ko.
"Hays! Kinumpiska nga pala yon!" Inis na isasara ko na sana yung bag ko ng makita ko yung libro. Nakalimutan ko na itong ibalik sa library. Kinuha ko ito at agad na pumunta sa higaan ko. Nasa taas ko si Dally.
Binuksan ko ang libro Pero nagtaka ako kung bakit handwritten yung sulat dito. Binuklat ko lang ito ng mabilis hanggang makarating ako sa pinaka huling pahina.
Hinawakan ko ang isang patak ng pulang likido dito. Ano to dugo?
Tinignan ko itong mabuti at tama nga ako patak nga ng dugo. Binasa ko ang huling nakasulat.
Don't trust anyone. Anyone can be the culprit.
Muntik na akong matawa sa binasa ko tinignan ko ulit ito simula una at napansin kong hindi Ito basta isang libro para siyang isang diary? Hindi ko na binasa at natulog na lang ako ulit.
Libra POV
Nandito ako ngayon sa pampang. Alam kong sa oras na to dapat tulog na ako pero hindi. Kapag pinipikit ko yung mga mata ko parang narereplay yung video ng kapatid ko.
Kitang kita ko kung paano siya binaboy.
"Ang bait talaga nung tumawag sa atin pre!" Sabi ng isang lalaki. Hindi ko akalain na magagawa nila yon! Mga hayop sila! naging mabait ang kapatid ko bakit kailangan mangyari sa kanya to! Hindi kita ang mukha nila dahil naka blurred ito at sa tingin ko inedit din ang boses nila.
YOU ARE READING
Rest in Shit!
Mystery / ThrillerI thought were friends.. I thought we will last forever.. Until you betrayed us.. Until we rest in shit..