Prologue

7K 208 22
                                    

*This is a work of fiction.Names,characters,places,and events are all fictitious,unless otherwise stated.Any resemblance to real person,living or dead,or actual event is purely coincidental.

All rights reserved.NO parts of this story may be reproduced,distributed,or transmitted in any form or by any means,without the prior permission of the Author.*

PLAGIARISM IS A CRIME!

PAT: Heyyo guys.This is my first story so hope you like it!

~~~~~~~~~~

"GO ANGELICA!" sigaw ng isang babaeng nasa 30 na ang taon na si Mira.Pumalakpak naman ang katabi nitong si Jonathan.

Si Mira at Jonathan ay magkasintahan at ang kanilang chini-cheer ay ang nag-iisang anak nilang si Angelica na kasalukuyang kumakanta sa isang singing contest.

Kahit pitong taong gulang palang si Angelica ay kitang kita na ang taglay nitong kagandahan na namana niya sa kanyang ina na dating sumasali sa mga beauty pageant at nananalo.

Talented din siya dahil namana niya ito sa kanyang tatay na talented at alam lahat ng bagay.

"And the winner is *drum roll* Angelica Lawrensito!"

Nag palakpakan ang ilan at ang iba nama'y nag hiyawan na tila sinasabing 'Siya talaga ang tunay na talentado!'.

Tumayo naman sina Mira at Jonathan "Anak namin yan!Wuhuu!Go anak!" proud na sigaw ni Mira.

Bumaba na si Angelica sa stage at masayang pinuntahan ang kanyang magulang.

"Ma,Pa" tawag niya sabay yakap sa kanila.Kumalas na sila sa yakap at tinignan ni Jonathan si Angelica "Proud na proud kami sayo anak" sabi niya at hinalikan si Angelica sa noo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dahil sa galing,ganda,at talino ni Angelica maraming humahanga sakanya.Siyempre hindi mawawala ang mga naiinis at naiinggit sa kanya.

"So Angelica Lawrensito" sabi ni Bethanya na nakapamewang pa sa harap ni Angelica."Ano na naman Bethanya?" walang ganang sabi ni Angelica.

Si Bethanya kasi ang tinuturing Leader ng mga naiinis at naiinggit kay Angelica.Araw-araw ding binibwisit ni Bethanya si Angelica.

"Wow.Mayabang ka na ah" sabi niya at tinulak si Angelica dahilan ng pagkabagsak niya sa lupa.May namumuo namang luha sa gilid ng mata ni Angelica.

Hindi kasi siya sanay na may nang aapi sakanya.Mabait na bata si Angelica.Ganya siya pinalaki ng kanyang mga magulang.

"Aaw.Naiiyak na ang nag mamayabang na si Angelica.Ano ngayon ha?Sikat ka nga pero wala ni isa ang gustong tumulong sayo" napatingin naman si Angelica sa paligid at wala ng tao.Naalala niyang uwian na pala at nag siuwian na ang mga estudyante.

"Titingin tingin ka pa dyan.Tumayo ka!" utos niya.Hindi na makatayo si Angelica dahil sa impact ng pagkabagsak niya kanina.

The Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon