PAGDATING niya sa library ay kakaunti na lang ang estudyante. Tinanong niya ang isa sa mga staff kung nasaan ang librong naiwan ng kapatid niya. Ibinalik na daw nito sa bookshelf. Akala daw kasi nito ay hindi na babalikan ng kapatid niya ang libro. Nagprisinta siyang siya na lamang ang kukuha sa libro nang makita niyang papasok din ng library si Iza.
Nakuha na niya ang libro pero hindi muna siya umalis. Hinintay muna niyang makaalis si Iza. Pero mukha yatang nakita na siya nito kanina at hindi libro ang sadya nito doon kundi siya mismo dahil papunta ito sa pinagtataguan niyang bookshelf.
“Yue, saan ka galing at bakit hindi ka pumasok kanina. At bakit naka-off ang cellphone mo kahapon?” sunud-sunod na tanong nito na ikinainis niya.
“Hindi ko kailangang sabihin o ipaalam sa'yo ang lahat ng gagawin at pupuntahan ko. You’re not my wife, Iza. Nasasakal na ako sa mga ginagawa mo.”
“I’m sorry,” walang sinseridad na sabi nito. Isa pa 'yon sa mga ikinaiinis niya dito. Balewala para dito kung nakagawa man ito ng mali o nakasakit man ito ng ibang tao. Sarili lang nito ang iniisip nito.
“No. Listen to me, Iza. Let’s just end this. Nakakasawa na rin, eh. Ayoko na ng mga ginagawa mo.”
“No. you can’t do this to me, Yue,” anito at bigla na lamang siyang hinalikan sa labi. “Please, don’t do this to me.”
“Nakapag-desisyon na ako. Mas mabuting tapusin na natin ito,” aniya habang pilit inaalis ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.
“Okay, just kiss me. Please?” pagmamakaawa nito.
Pinagbigyan na rin niya para matigil na ito dahil kahit papaano ay may pinagsamahan din naman sila. Kahit na lumabas din ang totoong ugali nito sa huli.
“Oh, Yue. Oh, ah. Hmmm.” Kinuha nito ang isang kamay niya at dinala sa kaliwang dibdib nito.
“You should keep quiet,” sita niya rito.
Nagulat siya ng bigla na lang may kumuha ng libro sa may ulunan ni Iza. Pero agad din siyang nakabawi ng makita ang maamong mukha nito. Tulad niya ay nagulat din ito. Nanlaki ang mata nito dahil sa nakita. Itinigil niya ang paghalik kay Iza at tinitigan ang babaeng nasa kabilang bahagi ng shelf. Nginitian niya ito.
“Why did you suddenly stop?” iritadong tanong ni Iza. Binalingan niya ito. Nakapikit ang mga mata nito. Mukhang nadala na ito sa ginagawa nila.
“I just realize we are inside the library, Iza,” sagot niya at muling binalingan ang magandang intruder nila. Lumabi ito na para bang mali ang isinagot niya sa tanong ni Iza. Ang cute nitong tingnan.
She had soft brown eyes with thick eyelashes. A slightly upturned nose, kissable lips and a fair skin. Nakasuot ito ng salamin na may itim na frame. Lagpas hanggang balikat ang medyo kulot at dark brown nitong buhok. She looks like a doll. A very cute doll. No. A beautiful one.
Hindi na ito nagtagal at nang matiyak na tama ang librong nakuha nito ay umalis na agad ito.
“Yue!” untag ni Iza na humigpit ang yakap sa kanya.
“My decision is final, Iza. We’re through.” Iyon lang at iniwan na niya ito. Sinubukan niyang habulin ang intruder nila pero hindi niya ito naabutan.
“YOU are late!” singhal agad ni Yuri sa kanya nang buksan nito ang pinto pagkarating niya sa flat ni Lantis. Tatanungin sana niya kung ano ang ikinagagalit nito nang makita niya si Lantis at Thrixie na naghahalikan sa may sofa. Kaya naman pala, aniya sa sarili.
BINABASA MO ANG
STRING of FATE: Together Forever
Romance"Since this is my first time I've encountered a girl who would play such a prank on me, in return, I'm going to take away all of your first times." Masaya si Mika sa buhay niya. Mayroon siyang mapagmahal na ina, na madalas laiitin ang kanyang dibdi...