CHAPTER 3

20 2 0
  • Dedicated kay Mary Grace Cuevas Bagarra
                                    

NAGULAT si Yue nang makita niya ang babaeng nakita niya sa library kahapon. At kasama nito ang kapatid niya. Mukhang magkaibigan ang mga ito. At tulad ng sinabi ni Yuri ay mas maganda nga ito kapag nakangiti ito at hindi nakasalamin. Nang mapansin nitong nakatitig siya rito ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi nito.

                Hinarap ng isa sa mga babaeng lumapit sa kanya ang kapatid niya. Kung tama ang pagkakatanda niya ay Louise ang pangalan nito. Aawatin sana niya ito ng magsalita ang kaibigan ni Yuri. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Medyo malayo kasi ang mga ito sa kanya. Nagtaka siya nang nakangiting ituro siya ng kaibigan ng kapatid niya. Kinabahan siya. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa kanya at tama siya nang bigla na lamang siyang halikan ni Louise na agad namang sinundan ng mga kasama nito. Ano ba ang pinag-usapan ng dalawang babae at ganito ang kinahinatnan niya.

                “Kuso!” mura niya sa wikang Nipponggo.

                “Swearing is not good, dear brother,” nakangiting sabi ng kapatid niya. Gusto na niyang maniwala sa sinabi ni Lantis na maldita nga ang kapatid niya dahil sa halip na tulungan siyang makalayo sa mga babaeng nagpipilit na makahalik sa kanya ay iniwanan pa siya nito.

                “Wait!” sigaw niya dahilan para tumigil na ang mga ito sa ginagawa sa kanya. Nang makakawala siya sa mga ito ay saka lang niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang lahat ng estudyante sa classroom nila. Nagtatawanan ang mga ito. Binalewala niya iyon at nilapitan si Louise. “Who is that woman?”

                “Mika.”

                “She's Mika? As in my sister’s bestfriend?” hindi makapaniwalang tanong niya dahil kapag nagkukwento ang kapatid niya tungkol dito ay para itong santa sa kabaitan. Hindi rin niya inakala na ang babaeng nakita niya sa library at ang best friend ng kapatid niya ay iisa.

                “Yes. That’s her.”              

                Akala ko ba mabait 'yon. Wala ni kaunting trace ng kabaitan ang ginawa niya sa'kin. “Ano 'yong pinag-usapan ninyo kanina?”

                Sinabi nito sa kanya kung ano ang pinag-usapan ng mga ito kanina. Pagkatapos nitong magkwento ay natawa ito. “It seems that Mika doesn’t like you. What did you do to her? Did you break her heart?”

                “That’s impossible. I didn’t even know her personally. Kahapon ko lang siya nakita.”

                “Well, that’s really impossible because she has a boyfriend. Pero alam mo, ikaw ang kauna-unahang tao na ginawan niya ng kalokohan. Kahit na ano nga ang gawin naming pang-iinis sa kanya noong una ay hindi man lang siya nagpakita ni kunting pagka-inis,” tatawa-tawang sabi nito at iniwan siya.

                Nagtagis ang mga bagang niya. Ito rin ang kauna-unahang gumawa sa kanya ng ganoong klase ng kalokohan.

                Pagkalipas ng sampung minuto ay bumalik na ito at ang kapatid niya. Kasunod ng mga ito ang isang lalaki at si Lantis. Kakausapin sana niya ito pero sakto namang papasok ang teacher nila kaya ipinagpaliban na lamang niya pagkausap rito at bumalik na sa upuan niya.

Natapos ang maghapon na hindi niya ito nalapitan. Laging nakadikit dito ang lalaking kasama ng mga ito kanina na napag-alaman niyang Jinno ang pangalan. At ayon kay Louise ay siyang boyfriend ng dalaga.

NAKAHINGA ng maluwag si Mika nang hindi pumasok si Yue nang araw na 'yon. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon ay ilang beses itong nagtangkang lapitan siya. Alam niyang gaganti ito kaya naman siniguro niyang hindi siya nawawalan ng kasama at kapag nasa malapit naman ito ay lumalayo agad siya. Nang tanungin naman niya si Yuri kung bakit hindi pumasok ang kapatid nito ay hindi daw nito alam kung nasaan ito.

STRING of FATE: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon