“YUE, nakakarami ka na,” sita niya rito nang akmang hahalikan uli siya nito. Pero hindi siya nito pinakinggan at nagpatuloy lang sa paghalik sa kanya. Itinulak niya ito ng bahagya.
“Isa na lang,” hirit nito. Tinakpan niya ang bibig nito bago pa man nito mailapit ang mukha nito sa mukha niya.
“Mamaya mo biglang dumating sina Yuri at makita tayo.”
“Ano naman ngayon? Baka nga magtatalon pa 'yon sa tuwa eh,” anito at inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito.
Nang akmang hahalikan uli siya nito ay isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Natawa ito at niyakap na lamang siya.
“You’re making me crazy, love,” anito at hinapit pa siyang lalo.
Napasinghap siya nang maramdaman ang matigas na bagay sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano iyon. Kinurot niya ito sa tagiliran. Lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanya. Sinamantala niya iyon at mabilis na kumawala rito. “Manyak,” aniya at tinungo ang pinto.
“Hey, I’m just letting you know kung ano kaya mong gawin sa'kin,” tatawa-tawang sabi nito.
Lumabi siya. Palabas na siya nang tawagin siya nito. Nilingon niya ito.
“Anong gagawin ko rito?” tanong nito at niyuko ang ibabang bahagi ng katawan nito.
“Iligo mo na lang 'yan,” aniya at tuluyan ng lumabas. Tinawan lang siya nito. Gumitaw sa isip niya ang isang pangyayari kung saan nakita niya itong walang kahit na anong saplot sa katawan. Nag-init ang mukha. Umiling-iling siya upang iwaksi ang nasa isip.
Patungo na siya sa kitchen nang lumabas si Lantis sa isa sa mga kuwarto.
“Anong nangyari do’n?” tanong nito at umagapay sa kanya.
“Nabaliw,” sagot niya.
“Sa'yo? Well, hindi na 'yon bago. Matagal na 'yong baliw sa'yo,” nakangiting sabi nito.
Hindi na siya nagkomento. Nauna na lamang siyang pumasok sa kitchen. Pero agad din siyang napahinto sa nakita. At dahil nasa likod niya si Lantis ay bumangga ito sa kanya nang bigla siyang tumigil.
“Mika, bakit ka humin—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito nang marahil ay makita rin nito ang dahilan kung bakit siya napahinto.
Nasa kitchen si Yuri. Nakaupo ito sa dining table at may kahalikang lalaki. Bukas ang lahat ng butones ng blouse na suot nito. Nakakawit ang mga braso nito sa leeg ng lalaki. Ang mga kamay naman ng lalaki ay humahaplos sa baywang ni Yuri. Nang akmang aakyat na ang mga iyon sa dibdib ni Yuri ay walang salitang basta na lang pumasok si Lantis at pinaghiwalay ang dalawa. Napataas ang kilay niya sa naging aksyon ng huli. Maging sa emosyong nakabadha sa mukha nito. Mula kasi nang mag-away ito at si Yuri ilang buwan na ang nakalipas ay ngayon lang ito nagkaroon ng pakialam sa best friend niya. Mukhang may nagbago rito na hindi niya nahalata.
“What the hell are you doing?” madilim ang anyong tanong nito sa kaibigan niya.
“L-Lantis,” gulat na sabi ni Yuri pero agad din itong nakabawi. “Can’t you tell? We’re making out and you’re disturbing us,” sagot ni Yuri at muli sanang lalapitan ang lalaki. Pero hindi iyon nangyari dahil nahawakan na ito ni Lantis sa braso at inilayo sa lalaki.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako,” reklamo ni Yuri habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Lantis. Pero tila walang narinig ang huli at bigla na lamang binuhat si Yuri na tila sako ng bigas. “Saan mo ba ako dadalhin?”
“Oh, hi, Mika,” bati ni Yuri nang matapat ito sa kanya.
“Papaliguan kita ng alcohol para maalis 'yong mga virus na dumikit sa katawan mo,” galit na sagot ni Lantis at tuluyan ng inilabas ang kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
STRING of FATE: Together Forever
Romance"Since this is my first time I've encountered a girl who would play such a prank on me, in return, I'm going to take away all of your first times." Masaya si Mika sa buhay niya. Mayroon siyang mapagmahal na ina, na madalas laiitin ang kanyang dibdi...