Chapter Eleven
NANG makaalis ang mama ni Mika ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Pero nang maalala ang mga pinag-usapan nila ay napakamot na lang siya sa ulo. Ang weird talaga ng ina ng girlfriend niya. Parang gusto na nitong ipamigay sa kanya ang dalaga. Well, iyon naman talaga ang plano niya after graduation. Ang hingin ang kamay ng dalaga.
Pumasok na siya sa loob ng bahay. Nang hindi makita sa sala ang dalaga ay pinuntahan niya ang kuwarto nito. Kumatok siya ng tatlong beses kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. Walang sumagot. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan nito. Nang wala pa ring sumasagot ay binuksan na niya ang pinto.
Bumungad sa kanya ang maamong anyo nito habang mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at umupo siya sa gilid ng kama. Hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha nito.
Napangiti siya nang mapansing medyo nakalabi ito. Ano kaya ang iniisip nito bago ito nakatulog?
Wala sa loob na hinaplos niya ang labi nito. Gumalaw ito ng bahagya. Ang akala niya ay magigising na ito kaya agad niyang inilayo ang kamay sa mukha nito. Pero laking gulat niya nang bigla na lamang nitong hawakan ang kamay niya at mahigpit na niyakap. Napalunok siya dahil saktong-sakto ang kamay niya sa kanang dibdib nito.
Gustuhin man niyang huwag alisin ang kamay sa pwesto niyon ay hindi maaari. Ayaw niyang isipin ng dalaga na sinasamantala niya ito kapag bigla itong nagising. Aalisin na sana niya ang kamay sa kinalalagyan nito nang bigla itong magsalita.
“'Ma, anong magagawa ko kung maliit talaga ang dibdib ko? Kasalanan ko ba iyon? At saka ikaw, Yue, nakakaiinis ka. Ang lakas ng loob mong sabihing sakto lang sa kamay mo, eh, tulog ka naman nang mahawakan mo,” litanya ng dalaga sa pagtulog. Lalo pa itong lumabi.
Napangiti siya dahil kahit tulog ay nagrereklamo pa rin ito. Nasagot rin ang tanong niya kanina. Mukhang sensitive ito pagdating sa bagay na iyon. Pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mag-sink in sa utak niya ang huling sinabi nito.
“When?” kunot-noong tanong niya sa natutulog na dalaga at pilit inalala kung kailan iyon nangyari. Wala sa loob tuloy niyang napisil ang hawak.
“Hmm,” narinig niyang ungol ng dalaga.
Maingat at mabilis niyang inalis ang kamay sa dibdib nito. Mayamaya lang ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito.
“Sorry, nakatulog ako. Kanina ka pa ba diyan? Si mama?” tanong nito.
“It’s okay. Nakaalis na. Matulog ka pa kung inaantok ka pa. Tawagan ko na lang si Yuri na male-late tayo,” sagot niya.
“Okay lang? Medyo inaantok pa kasi ako,” anito at naghikab.
“Yeah.”
“Okay. Pakigising na lang ako after an hour,” anito at muling pumikit. Di nagtagal at nakatulog uli ito.
Naghanap siya ng mapagkakaabalahan. Ang nag-iisang bookshelf na naroon ang nakakuha ng atensiyon niya. Mga libro at photo album ang laman no’n. Ang mga photo album ang inusisa niya. Pag-aari pala iyon ni Mika. Bawat photo album ay may nakalagay kung ilang taon na ang dalaga. Kinuha niya ang album na may nakalagay na Mika at eighteen. Napangiti siya nang bumungad sa kanya ang mukha nito habang nakaduling at nakadila ito. Sa baba ng picture ay may nakalagay na ‘Dalaga na ang baby ko!’. Mukhang ang mama nito ang gumawa ng mga album na iyon.
BINABASA MO ANG
STRING of FATE: Together Forever
Romance"Since this is my first time I've encountered a girl who would play such a prank on me, in return, I'm going to take away all of your first times." Masaya si Mika sa buhay niya. Mayroon siyang mapagmahal na ina, na madalas laiitin ang kanyang dibdi...