CHAPTER 4

23 1 0
  • Dedicated kay Nova Agpalo
                                    

SIX o’clock pa lang pero nasa school na siya. May usapan kasi sila ni Yuri na maagang pumasok para makapag-research pa sila sa library habang hindi pa nagsisimula ang unang klase nila. Mas gusto kasi niyang sa library mag-reseach kaysa sa mga computer.

                Malapit na siya sa classroom nila ng marinig niyang may nagtatalo sa loob. Tatalikod na sana siya para sa labas na lang ng building nila niya hihintayin si Yuri nang marinig niya ang boses nito at ni Lantis. Ang dalawa ang nagtatalo sa loob ng classroom nila. Mukhang may hindi na naman napagkasunduan ang mga ito. Well, natural naman na sa dalawa ang parang aso’t pusang awayan ng mga ito. Tiyak magkakasundo din ang mga ito mamaya. Mauuna na lang siya sa library at tiyak na susunod din naman ito doon kapag hindi siya nito nakita.

                “I’m s-sorry Lantis. H-hindi ko alam na m-mahal mo talaga siya,” narinig niyang sabi ni Yuri. Umiiyak ito. Napahinto siya. Sumandal siya sa  pader na malapit sa classroom nila. Ngayon lang niya narinig na umiyak ang best friend niya dahil sa away nito at ni Lantis. Hindi niya gustong manubok pero nag-aalala siya para dito.

                “Iyon ang problema sa'yo, Yuri, hindi mo alam dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Wala kang pakialam kahit na makasakit ka ng ibang tao basta makuha mo lang ang gusto mo,” mahinang sabi ni Lantis pero halata ang tinitimping galit.

                “I know and I’m s-sorry. M-mahal na mahal lang kita kaya ko n-nagawa 'yon. P-pupuntahan at kakausapin ko siya. S-sasabihin kong wala talaga tayong relasyon at walang nangyari sa'tin.”

                “No! Ayoko nang masaktan pa siya kapag nakita ka niya. Tama na 'yong sakit na ipinaramdam mo sa kanya dahil sa kalokohan mo. Tantanan mo na rin ako, Yuri. At ito ang tatandaan mo, kahit kailan at kahit anong mangyari ay hinding-hindi kita mamahalin.”

                Hinintay niyang sumagot si Yuri pero tahimik lamang ito. Naririnig niya ang mga hikbi nito. Batid niyang nasaktan ito ng sobra dahil sa sinabing iyon ni Lantis. Hindi na siya nakatiis nang tumagal ang pananahimik nito kaya ipinasya niyang makialam na.

                “Yuri, tara na,” yaya niya rito pagkabukas niya sa pinto. Agad itong tumalikod sa kanya at pasimpleng pinunasan ang mga luha nito.

                “M-mauna ka na. Susunod na lang ako,” anito na may kung anong kinukuha sa bag nito. Nagkandahulog ang ilang gamit nito. Panay rin ang punas nito sa mga luha nito.

                “Tulungan na kita,” aniya at pinulot ang mga gamit nitong nahulog.

                “Okay lang, Mika. Kaya ko na 'to. Salamat,” anitong hindi makatingin sa kanya. Nang maibalik na nito ang mga gamit sa bag nito ay nauna na itong lumabas. Hindi siya sumunod dito sa halip ay nilapitan niya si Lantis.

                “Pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya rito.

                “Pasensya na, Mika. Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino ngayon,” malamig na sabi nito.

                “Okay. Makinig ka na lang sa sasabihin ko kung ganoon. Una, I’m sorry dahil narinig ko ang pagtatalo n'yo ni Yuri. Next is, wala kang karapatang iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Sinadya mo man iyon o hindi. At kung talagang mahal mo ang Catherine na 'yon, dapat hindi mo siya hinayaang umalis at kung umalis man siya dapat sinundan mo. Kung totoong mahal ka naman niya, hindi siya dapat agad naniwala sa sinabi ni Yuri. Patunay lang 'yon na hindi n'yo totoong mahal ang isa’t isa. At ang panghuli at nag-iisang bagay na gusto kong tandaan mo, kahit kailan at kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko na hahayaang mahalin ka uli ni Yuri. Kahit na dumating pa 'yong time na mahal mo na rin siya.”

STRING of FATE: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon