CHAPTER 10

10 1 0
                                    

NAPANGITI si Yue nang  makita niya si Mika sa classroom nila. Nakapangalumbaba ito habang iiling-iling.

                Binati niya ito at hinalikan sa pisngi.

“Ang ganda mo 'ata ngayon, girlfriend,” puna niya at iniipit sa likod ng tainga nito ang ilang hibla ng buhok nitong hindi nasama sa pagkakatali.

“Matagal na akong maganda,” nakangiting sagot nito.

Napangiti siya. May kayabangan rin pa lang itinatago sa katawan ang girlfriend niya.

Tiningnan nito ang librong inilapag niya sa harap nito. Napangiti ito nang makita ang naka-engrave na pangalan nila sa harap ng libro. Binuklat nito ang libro at agad na bumungad ang mga picture nilang idinikit niya doon. Ang mga sumunod na pahina ay wala ng laman. Doon sila magsusulat. It will be their journal. Iyon ang ‘The Notebook’ version nila. Though, it wasn’t a notebook.

“Iyan ang sayo at ito ang sa akin,” aniya at inilabas mula sa bag niya ang isa pang libro. Parehong-pareho ang mga iyon. Ang pagkakaiba lang ay ang kulay. Light blue ang sa kanya samantalang ito ay light pink.

“Bakit dalawa?” kunot-noong tanong nito.

“Para hindi natin mabasa ang sulat ng isa’t isa,” aniya.

“Hindi ko naman babasahin kapag sinabi mong hindi ko pwedeng basahin.”

“Hindi ka mate-tempt na basahin ang sulat ko?”

“Hindi,” seryosong sagot nito.

Tinitigan niya ito. Kapagkuwan ay napangiti siya nang mapansin ang pinipigil nitong ngiti. “I don’t believe you. Kasi ako kahit pa sabihin mong hindi ko pwedeng basahin ang sulat mo e babasahin ko pa rin. Well, I’ll be curious. Sabi nga nila, kung ano daw ang hindi mo masabi e naisusulat mo. Of course, I want to know kung ano ang iniisip mo, ang nararamdaman mo at kung ano iyong mga bagay na hindi mo masabi. Besides, you’re not a talker like me.”

Nginitian lang siya ito.

“Oh, come on, girlfriend. Just admit it, okay?”

“Admit what?” pagmamaangan nito.

“That you want to read it too.”

She just shrugged her shoulders.

“Okay. Just tell me you love me,” nakangiting ungot niya dito.

“Ikaw muna,” anitong nakangiting bumaling sa kanya.

“May ganoon? Dapat talaga ako muna, bago ikaw? Anong nangyari sa lady’s first?”

“Naging lady’s choice,” biro nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Pagdating talaga dito ay hindi siya makatanggi. “Okay. Mikaella, pangako kong ikaw  lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko. We’ll be together until the end and I will love you forever,” seryosong pahayag niya.

“Ditto,” nakangiting sabi nito.

Sinimangutan niya ito. “Daya nito. Pasalamat ka at mahal na mahal kita kundi…”

“Kundi ano, Yue?” nakataas ang kilay na tanong nito.

“Kundi kanina pa kita hinalikan,” palusot niya. Baka kasi kapag biniro niya itong hihiwalayan niya ito ay baka totohanin nito iyon.

“You can’t do that here,” iiling-iling na sabi nito.

“Why not? Tayo naman na at saka nahalikan naman na kita kahit noong hindi pa tayo. At sa library pa where we first met,” nakangising sabi niya.

STRING of FATE: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon