CHAPTER 9

7 0 0
                                    

AYOKO NA. Kapag hindi ka pa tumigil, magagalit na ako,” banta ni Mika kay Yue. Tumigil naman ito sa pagkiliti sa kanya. “Bakit ka ba basta na lang nagingiliti?”

“Eh, paano umiiyak ka na dahil doon sa biro ko,” sagot nito. Pinahid nito ang bakas ng luha sa pisngi niya.

“Hindi naman iyon ang iniiyakan ko eh,” aniya.

“Eh, ano pala ang iniiyakan mo?” tila nakahinga ng maluwag na tanong nito.

Itinuro niya ang TV sa harap nila. Tumingin naman ito doon. Pero agad din itong bumaling sa kanya.

“Biniro ka rin ng TV? Anong sinabi sa iyo? Sabihin mo sa'kin at ng mabugbog ko na 'yang loko-lokong TV na iyan. Bad na TV 'yan. Pinapaiyak ang girlfriend ko.”

“Yue naman eh. Puro ka kalokohan,” nakalabing saad niya.

“Pinapatawa lang kita. Ayoko kasing nakikita kang umiiyak,” anito at masuyo siyang hinalikan sa noo.

“Nakakaiyak kasi 'yong pinapanood ko,” aniya at yumuko. Muling tumulo ang mga luha niya nang maalala ang napanood.

“Ano ba kasing pinapanood mo at pati ilong mo eh umiiyak na?” nakangising tanong nito at muling pinahid ang mga luha niya.

“The Notebook,” sagot niya while sniffing. “Naawa kasi ako kay Duke dahil hindi siya maalala ng babaeng mahal niya.

Nang hindi ito nagkomento ay nag-angat siya ng tingin. And she was surpised sa nakitang anyo nito. Namamasa ang mga mata nito habang masuyong nakatingin sa kanya.

“Hey, bakit iiyak ka na rin 'ata?” kunot-noong tanong niya rito.

“Naisip ko lang ang maaaring maramdaman ni kuya Yuji kapag nagising na siya at nalaman niyang hindi na siya maalala ng fiancee niya,” malungkot na sagot nito. “Ayokong maranasan 'yong gano’n, girlfriend. Ayoko, kahit isipin man lang, na hindi mo ko maalala.”

“Silly. At bakit naman kita makakalimutan?” nangingiti ng tanong niya rito.

“Malay mo, baka mauntog ka tapos makalimutan mong boyfriend mo ako,” nakasimangot na sabi nito. “Hindi pa naman kita niligawan kaya siguradong makakalimutan mo ako kaagad,” dagdag pa nito.

Natawa siya. “Puro ka talaga kalokohan.”

“Hey, I’m being serious here. Wait me here,” anito at pumasok sa isa sa mga kuwarto. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang ballpen at yellow paper.

“Anong gagawin mo diyan?” tanong niya nang makabalik ito sa tabi niya.

“Gagawin natin,” anito.

“Ha?”

“Gagawa tayo ng sarili nating ‘The Notebook’,” nakangiting sabi nito at ibinigay sa kanya ang isang ballpen at papel.

“The Notebook? Using this paper?” tanong niya rito.

“Yeah, ito ang ilalagay natin sa last page. Love letter natin para sa isa’t isa. When we get back to Manila saka natin sisimulan ang ‘The Notebook’ natin,” sagot nito at nagsimula ng magsulat.

“Kung anu-anong naiisip mo,” aniya at ibinaba sa center table ang hawak na papel at ballpen.

“Hey, it’s for future purpose. Malay natin makalimutan mo talaga ako o kaya makalimutan kita,” anitong kinuha ang ibinaba niyang papel at ballpen at muling ibinigay sa kanya. Nang hindi niya iyon kinuha ay tumayo ito. Ang akala niya ay nainis ito at aalis na pero hindi pala. Umupo ito sa center table at hinarap siya. Pinagsalikop ang mga kamay at pinapungay pa ang mga mata. “Please, girlfriend.”

STRING of FATE: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon