CHAPTER 7

36 1 0
                                    

MULA nang magkasakit at alagaan siya ni Yue ay naging palagay ang loob niya rito. Mas bumait rin ito sa kanya. Hindi na ito nang-aasar. Hindi na rin ito gumagawa ng kung anu-ano na ikaiinis niya. Lagi silang magkasama. Mas madalas na nga niya itong kasama kaysa sa kakambal nitong biglang naging laging busy nitong nakaraang linggo. Hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Pero sa tuwing natatapos ang klase nila ay lagi na lang itong may pinupuntahan.

                “Anak, kain na,” tawag ng mama niya mula sa kusina.

                “Opo, 'Ma,” sagot niya. Isinara niya ang bag na dadalhin niya at lumabas na ng kuwarto niya. Pagdating niya sa kusina ay nakahain na ang mama niya. Fried egg, longganisa, at hotdog ang ulam nila. At gaya ng dati ay may isang basong ng gatas na naman sa tabi ng plato niya.

                “O, ano pang itinatayo mo riyan? Umupo ka na at kumain. Mamaya 'andiyan na si Yuri, hindi ka pa nakaligo,” anang mama niya habang nagtitimpla ng kape nito.

                Umupo na siya at nagsimulang kumain. Gayundin ang mama niya.

                “Okay na ba ang mga gamit na dadalhin mo?” mayamaya ay tanong nito.

                “Okay na po,” sagot niya at isinubo ang huling piraso ng ulam sa plato niya. Pinangalahati niya ang gatas sa baso niya at tumayo na.

                “Hindi pa ubos 'yong gatas mo,” puna nito bago pa man siya makalabas ng kusina.

                “Ayoko na po,” aniya at mabilis na nagtungo sa kuwarto niya. Kumuha lang siya ng tuwalya at agad ding lumabas.

                Malapit na siya sa banyo nang tawagin siya ng mama niya. “Ubusin mo itong gatas mo. Hindi ka lalaki kapag hin—”

                “'Ma, kahit isang drum pa ng gatas ang inumin ko hindi na ako lalaki,” putol niya sa sinasabi nito at pumasok nan g banyo.

                “Sayang naman ito. Tinimpla ko pa  naman ito ng may kasamang pagmamahal at pag-asang lalaki ka pa,” madramang sabi nito.

                Napailing na lamang siya. Nag-alis siya ng damit at saka tumapat sa shower. Semestral break na nila at nagyaya si Yuri na magbakasyon sa Boracay. Pampaalis daw ng stress sa katatapos lang na exam. Hindi niya alam kung sino ang mga sasama. Ang alam lang niya ay isang linggo silang mananatili doon.

                May kumatok sa pinto. “Anak, buhay ka pa ba diyan? Sumagot ka kung nalunod ka na sat abo natin.”

                Tinapos niya ang paliligo at pinatay ang shower. Piniga niya ang buhok niya at ibinalot iyon sa maliit na tuwalya. Pagkatapos ay nagtapis siya. Kinuha niya ang toothbrush niya at nilagyan iyon toothpaste. “Mama talaga parang sira. Makakasagot pa ba ako kung nalunod na ako,” aniya at nagtoothbrush.

                “Mahal kong anak, nagpapasalamat ako at parang sira pa lang ang tingin mo sa'kin. Pero nais ko ring ipaalam sa iyo na kung sira ako, eh mas sira ka kasi pinatulan mo 'yong sinabi ko. At saka 'di bale ng sira, maganda naman. At paanong hindi ganoon ang sasabihin ko eh, mag-iisang oras ka na diyan sa loob,” litanya nito. Sasagot pa sana sya ng marinig niya ang papalayong yabag nito.

                Nang matapos siyang mag-toothbrush ay lumabas na siya. Agad na dumako ang mga mata niya sa nag-iisa at antigong wall clock nila na nakasabit sa taas ng pinto ng kuwarto niya. Hindi na iyon gumagalaw. Kailangan niya iyong sabihin sa mama niya. Hindi tumitingin sa dinaraan na nagtungo siya sa kusina kaya hindi niya nakita ang taong palabas naman ng kusina. Nagkabanggan sila. Nawalan siya ng balanse. Mahigpit niyang hinawakan ang tuwalyang nakatapis sa kanya. Pumikit siya at inihanda ang sarili sa pagbagsak sa sahig nang may brasong pumulupot sa baywang niya. When she opened her eyes, she saw the familiar glint of mischief in those forest green eyes. Itutulak sana niya ito nang mapatingin siya sa kusina at makitang palabas si Lantis. Sumiksik siya sa katawan ni Yue na agad naman siyang niyakap. Hinila niya ito sa tabi kung saan hindi siya makikita ng kaibigan nito. Nang humigpit ang yakap nito sa kanya ay kinurot niya ito sa tagiliran. “Kung anumang kakulay ng mga mata mo ang tumatakbo diyan sa isip mo, ngayon pa lang palayasin mo na. And tell Lantis to stop right there and close his eyes.”

STRING of FATE: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon