A heartbreaking poem (Tagalog)

5 1 0
                                    

Project in Filipino.

"Ang ating pinaglaban"

Ikaw at ako na ating pinaglaban
Ating buong pusong isinaalang-alang
Ngunit sa dinamirami ng ating pinagdaanan
Hindi ko pa rin matangap ng lubusan
Na ikaw at ako ay may katapusan

Ang mundo ko'y di tulad ng iba
Isang karangyaang na sakin sa pagiging bida
Hindi ito ang aking sininta
Hindi rin ako umayon sa buhay nila
Pagkat sa sarili'y nawalan ng pag-asa
Ngunitng ika'y aking makilala

Napagtanto ko mula sa iyo
Na kahit magkaiba ang sinisintang mundo
Ang buhay na mayroon ako
Ay may kahulugan sa kada sigundo
Na pag-asa'y karapatan ng bawat tao

Taliwas ito sa aking pinagmulan
Ngunit pwede ba kitang pagkatiwalaan
Kung ako'y iyong pagmamasdan
Isa akong prinsesa na walang kahirapan
Ngunit mayroon akong pangarap

Simula pagkabata ako'y punong puno ng katarungan
Lahat hinaharap ng buong katapangan
Di bali na ang magiging kaparusaan
Dahil hindi ako yumakap sa kayamanan
Hindi ako sakim gaya ng aking pinagmulan

Wala akong ginusto kung hindi lumaban sa tama
Maging katulad ng isang normal na tao
Na maging kahit sinong gugustuhin nila
Na binubuo ng pag-asa't suporta
Hindi gaya ko na sumusunod sa gusto ng iba

Naalala mo ba ang ating unang pagtatagpo?
Nung may sinabi ka sa akin na aking ipagtanto?
Na hindi mahalaga kung paano ka nagsimula
Bagkos ang iyong hinihirang na kapalaran
Ay namamalagi sa iyong mga kamay.

Tayo'y simpleng nagsimula
Pagkakaibigan ay di muna
Ngunit tadhana'y maraming surpresa
Dahil hindi ko inaasahan na
Mahuhulog tayo sa isang relasyon

Ngunit tama nga ba?
Ano nga ba ang tama?
Sinong mabuti at sinong masama?
Ang Yin ba o ang Yang?
Na ikaw ay ganito at ako'y naiiba?

Tadhana ba ito?
Na makasama mo?
Ano ang hihinatnan nito?
Lalo't hindi ako sigurado
Ngunit ang nagiisang alam ko

Ay mahal kita
Lubos kitang sinisinta
Kung ako'y dating lumalaban ng walang katuturan
Ngayon ako'y iyong sulyapan
Para malaman mo na ikaw ang aking pinaglalaban

Ikaw at ako'y magkasamang lumaban
Labag man sa gusto ng iba.. Sa gusto nila
Nimahal natin ang isa't isa di ba?
Ang lakas ng pag-ibig natin
Kaya bakit? Bakit?

Bakit nangyari ito?
Bakit kailangan may isang magsakripisyo?
Dahil ba ito sa akin?
Sa tadhanang hindi ko tinanggap?
Sa buhay na pinili kong talikuran?

Kay Bilis nga ng panahon
Oras na imposibleng ibalik
Sa dinamirami ng ating pinagdaanan
Sa isang sakripisyo'y tayo'y mahihinto
Parang kamatayan na hindi ginusto

Ang buhay na wala ka
Ay isang mundo na hindi wasto
Kung ako'y papipiliin sa dalawa
Ang mabuhay sa isang sumpa
O mamatay na mahal ka

Pipiliin ko na ibaba ang aking buhay
Para sa iyo na aking pinaglalaban
At sa aking huling hininga
Buong puso kong isusumpa
Na mahal na mahal kita

Sabay natin itong pinili
Ngunit sayo ang mas nanaig
Kaya ako'y nariti
Tumutula sa iyo
Na inaalala ang iyong sakripisyo

Paumanhin sa aking kakulangan
Patawad sa mga pagkakamali ko
At parawad na hindi kita napaglaban
Ngunit kahit ilang beses ako manghingi ng tawad
Impossible na para ika'y bumalik

Isang biyayang sinumpa
Hindi kaibigan
Hindi din kaaway
Estranghero lang
Na may kaunting alaala

Sana kahit papaano maala mo ako
Kahit papaano ayos lang
Sana naging inspiration ako kahit papaano
Sana masaya ka kahit wala ako
Kahit wala tayo

Ikaw at ako na ating pinaglaban
Ang ating buong pusong pinaglaban
Bagkos sa dinamirami ng ating pinagdaanan
Sana balang araw'y matanggap ko ng lubusan
Na ikaw at ako mayroong  katapusan.

Randomness Overload (Random bOok 3) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant