[ This story contains some scenes that are inappropriate for VERY young readers. If you don't want to encounter fight scenes, I suggest you stop reading this story immediately. The writer (which is me) will not be held responsible for the loss of your innocence. This is a work from my imagination. Names, events, places and the like having connection to someones life is definitely coincidence. Please read every A/N written :)) Dedicated to her cause I really love BB! Comment and Vote ♥♥ ]
“Danielle~ gumising ka na..”
Bakit kasama si Mom sa panaginip ko? Hanggang dito ba naman susundan niya ako? Akala ko pa naman sa panaginip ako makakatulog ng mahimbing, yun pala hanggang dito ay –
“DANIELLLE!!!”
Hindi pala ako nanaginip. Bumangon na ako at nagunat ng katawan. Naghilamos muna ako at nagmumog bago ako bumaba.
“Hay nako. Kahit kalian talaga ay ang hirap mong gisingin.”
Hindi ko nalang sinagot si Mom dahil baka mamaya ay mag-away na naman kami, wala pa namansi Dad at nasa business trip. Si Dad kasiang referee naming ni Mom at ibangklasesi Mom magalit. Nakakatakot.
“Kumpleto na ba ang gamit mo?” Sabi ni Mom habang nilalagay ang almusal sa mesa.
*.* Corned beef na may patatas at scrambled eggs! Bakit ba iyan lagi ang niluluto ni Mom pag umaga? Gumaganda tuloy ang mood ko.
“Oh, baka bago mo makain yan ay lusaw na yan. Baka gusto mo nang sumandok?”
Sorry naman. Highblood talaga si Mom pag umaga. Ewan ko ba diyan.
“Kumpleto na po yung gamit ko."
"Huwag kang magulo dun ha. Hangga't kaya mo ay magpigil ka."
"Opo."
Madami akong nakain.. at malaki na ang tiyan koT.T Syempre joke lang naman yun. Ayokong tumaba no! Mahirap kayang kumilos pag mataba.