"Places everyone! *clap clap"
Magsisimula na yung practice namin at take note. Magppractice kami dito sa quadrangle. Buti nalang at may mga klase pa kaya wala pang nanonood. Sabagay, wala naman akong pake kahit sino pa ang manuod dyan.. Basta no expression ako tuwing practice.. Yung parang fierce. Rawr!
"Danielle, hawak na.."
"Ay sorry.."
Tapos nun ay humawak na ako sa braso ni Ti. Sabi niya Ti daw tawag ko sa kanya tapos El daw tawag niya sakin. Wala naman akong magawa kaya go! Ride lang!
No 5. nga pala si Brandon at kapartner niya ay yung freshie na maganda.. Maganda nga yung freshie kaso lang..
..hindi umabot sa level ko ^__^v
Pumunta na kami sa pwesto namin at sa tinaas-taas ng langit, sa gitna kami napunta.. Okay na daw yun dahil ako naman daw ang pinakamatangkad sa mga babae at ok naman daw yung height ni Ti. May mas matangkad kasi sa kanya.. Si Brandy at yung isang Senior. Konti lang naman yung difference ng height pero mas matangkad parin yung dalawa..
"Ms. Tatsuka.. Okay lang ba magpalit ka ng partner?"
"Bakit po ate Prina?"
Bakla yung coordinator at yan yung gusto niyang itawag niya samin.. Mula daw sa name niyang Trina at word na Pretty..
"Magkasing height kasi kayo ng partner mo eh hindi pa kayo nakaheels. Baka lumiit si Kuya saka masyadong malaki tong si Mr. Lopez sa harap. Para siyang kapre na kakainin yung partner niya.."
"Sige po.."
Tapos nun ay nagpalit na sila at all smiles pang lumapit samin si Brandy.. Pagtapat niya kay Ayumi ay tumingin agad siya sakin at kumindat pa..
Napatingin naman ako kay Ti tapos ay nakatingin lang siya ng masama kay Brandy..
"Brandon! Tayo na susunod na lalakad! Umayos ka na!" Ayumi
"Tol kasi, dun yung harap. *Sabay turo sa harap* Baka naman mabali yung leeg mo kakatingin sa partner ko?"
Napatingin nalang sakin si Brandy tapos ay nginitian ko nalang siya. Ngumiti din siya tapos ay tumingin na sa harap pero bago siya tumingin ay inirapan muna niya si Ti. Parang timang lang.. Ano siya? Bakla? May pairap-irap pang nalalaman!
Isang oras na kaming nagppractice kaya pinagbreak muna kami. Mamaya na daw dadating yung mga heels kaya magready na daw kami..
"Dani!"
"Ow?"
"Meryenda muna tayo!"
"Tara."
"El!"
Bigla naman akong napatingin salikod ko tapos ay nakita ko si Ti na tumatakbo..
"Oh Ti? Bakit?"
"Kakain ka ba?"
"Oo."
"Sama naman ako."
"Sige. Tara n- ay wait lang.. AYUMI!!"
Tapos ay napatingin samin si Ayumi kaya lumapit narin siya samin..
"Makatawag ka ha? Kain tayo! Nagugutom na ako T.T"
"Tara na! Yayain sana kita kaso inunahan mo ko.."
"Ok lang yun. Tara na at gutom na talaga ako.."
Tapos nun ay nagpunta na kami sa Canteen. Nakasunod lang sa likod namin si Brandy at Ti. Nakahanap din kami agad ng upuan.
"Anong gusto mo Dani/El?" Brandy at Ti