[ POV to ni Danielle pero may POV din si Brandon!! Exciting chappy ahead!! Read niyo na!! ]
"Danielle!"
Sino ba yun! Ang aga-aga nambubulabog.. kitang natutulog ako eh..
"Danielle..."
"Hmmmm.."
"Gising na. May bisita ka sa baba."
Si Ate Rossie lang pala.. Akala ko naman kung sino na ang nakapasok sa kwarto ko..
"Si..ge.. po.. susu..nod.. na.."
"Bilisan mo."
Tapos ay umalis na siya kaya binagsak ko agad yung ulo ko sa unan at nagsimula ng matulog.. Sarap kayang matulog pag-umuulan. Para nga akong hinihila ng kama pag-inaangat ko yung katawan ko.. May tanung nga pala ako..
Mas malakas ba ang pull of gravity pag-umaga? Ang hirap kasing bumangon eh! Seriously.. Dati ko pa yan naiisip..
"Danielle! Bata ka! Akala ko bumangon ka na! Kanina pa naghihintay yung mga bisita mo!"
Sino ba kasi yung mga yun? Ang aga-aga nambubulabog! Haay.. Bbye bed T.T
Bumangon na ako tapos nagshower. Feeling ko ang tagal ko nagshower kasi ang sarap maligo pag-mainit yung tubig!! Buti nga at hindi kumulubot yung skin ko.. Nagbihis ako ng simpleng short at shirt. Kung ano yung una kong makuha yun na. Bisita sila hindi ako kaya hindi ko kailangang magpabongga..
Pagbaba ko ay nakita ko ang Limang Juan na nakaupo sa Sala.. Hmmm. Sabi ko na nga ba at babalik sila..
Let's now roll the camera!!
"Ate Danielle!" Max
"Uhh.. S-sino kayo?"
Ang hirap naman magpigil ng tawa! Pwero nagawa ko parin.. Halata sa kanila na nalungkot sila..
"Kami yung naghatid sayo kahapon.." Mark
"Yung kasama mo sa Timezone.." Mike
"Pinapirmahan namin sayo yung bola namin.." Matthew
"At kasama mo kami nung sinigawan ka ni Kuya sa Timezone kaya tinaggal namin siya?" Michael
"Parang may naaalala yata akong ganun pero kinalimutan ko na.."
Tapos pumunta na ako sa kitchen sa bigyan sila ng juice.. syempre inutos ko yun kay Ate Rossie tapos nag-eavesdrop ako sa usapan nila..
"Tinotoo ata ni Ate Danielle yung sinabi niya kahapon.."
"Oo nga. Kinalimutan niya na ata tayo.."
"Kasi naman si Max kasi! Sasabihin lang hindi magawa!"
"Mahirap kaya! Tanung mo man kay Michael.."
"Mahirap nga kaya sina hindi mo na tinuloy.. Pabitin effect ka pa kasi! Nainis tuloy si Ate Danielle!"
"Ano na ang ggawin natin?"
"Ayokong awayin si Ate Danielle.. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng magaling magbasketball.."
"Ako rin! Saka hindi siya maarte!"
"Ano na nga gagawin natin?"
"Mag-sorry nalang kaya tayo?"
"Tapos sabihin natin yung hindi natin tinuloy kahapon.."
"Sabay-sabay nalang kasi nating sabihin.."
"Nakakahiya kasing sabihin eh.. Baka mamaya hindi siya pumayag T.T"