chapterEIGHTEEN~ His Plea..

4K 51 20
                                    

[ Balik ulit tayo sa POV ni Danielle!!

Brandon: Pagbatiin niyo na po kami Author!!

Ako: Pag-iisipan ko pa..

Brandon: Sige na!!

Ako: Pag-hindi mo ko tinantanan papatayin kita para si Timothy, Damon or Tim nalang makatuluyan ni Danielle!

Brandon: Sabi ko nga A/N mo to kaya aalis na ako! Bbye! Basta sakin lang si Danielle!! 

Ako: Oo na! Chupii!!

So sana magustuhan niyo po tong chapter na to dahil --

Singit si Brandon: Pagbabatiin na kami ni Danielle!!

*Biglang nawala si Author dahil hinabol niya si Brandon para itapon nsa Lion's Den! Mamaya nalang daw itutuloy ang A/N niya!! ]

Mga 5:30 na kami nakarating sa Court sa subdivision nila Max.. Maganda yung pagppractisan namin kasi Narra yung floor tapos covered pa siya.. Air-conditioned pa nga siya kaso pinapatay ko kasi baka magkasakit sila..

Nagwarm-up muna kami for 30 minutes tapos nagsimula na kami sa training.. Passing at dribbling lang ang focus ng training ngayon dahil dun sila medyo nag-aalangan.. Nung nakita ko kasi silang maglaro, medyo na-oout of balance sila pag nagddribble sila at minsan nahihirapan sila sa pagpasa ng bola.. After 30 minutes ng training, nagbreak muna kami.

Pumunta ako sa bag ko para kunin yung towel ko. Pagkuha ko namn, naramdaman ko na nagvvibrate yung Phone ko.. Tumatawag yung no. sa bahay..

              "Hello?"

              "Hello Danielle?"

              "Ate Rossie? Bakit po?"

              "Nakita ko kasi si Brandon sa gate. Kanina pa siya doon naghihintay.."

              "Pakisabi nalang po na hindi po ako dyan matutulog.."

              "Hindi ka ba talaga dito matulog?"

              "Dyan po. Para lang po umalis siya.."

              "Oww. So nag-away kayo?"

              "Kwento ko nalang po sa inyo next time.."

              "Nasaan ka ba ngayon?"

              "Kasama ko po yung limang bata na pumunta kanina.. Ngpapaturo po kasi sa basketball.."

              "O sige.. Ingat sa pag-uwi!"

              "Sige po.."

Tapos nun ay bumalik na kami sa training.. Mga 8:30 narin kami natapos kaya pagod na pagod sila.. Kela Max nga pala kami kumain. Kumpleto pa mga magulang nila dun sa bahay nila Max at sabay-sabay kami kumain. Kinamusta nila yung mga anak nila at sinabi ko na magagaling naman yung mga Juan..

Hinatid din ako ng Driver nila Max.. Sa una syempre tumanggi ako (pero deep inside gusto ko talaga) kaya pinilit nila ako kaya pumayag na ako ^_^v.. Gusto nga rin sumama ni Max kaso may pasok pa sila kaya sorry nalang siya..

Pagdating ko sa bahay, pinagbuksan ako ni Kuya Jude ng gate..

              "Kumain ka na ba?"

              "Opo."

              "Ang late mo yata umuwi ngayon?"

              "Next time ko nalang ikkwento sayo kuya Jude kasi inaantok na ako.."

She was a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon