"Danielle? Anong ginagawa mo diyan?"
"Mom? Bakit po?"
"Anong bakit? Nakayuko ka diyan at para kang butiki!"
"Nalaglag po kasi yung isang hikaw kaya kinukuha ko.."
"Bakit hindi ko nalang kumuha ng ibang hikaw?"
"Hindi naman kasi sila terno sa damit ko.."
"At kelan ka pa natuto magterno ng mga bagay-bagay?""Si-" Ako.
"Hayaan mo nga siya! Ikaw ba magsusuot?" Dad
"Eh ako nahihirapan sa pwesto niya kanina!"
"Edi wag kang tumingin!"
"May mata ako!"
"Patanggal mo!"
"Mahal kaya!"
"Mayaman naman tayo eh!"Tapos nun ay lumabas na sila sa kwarto ko at natahimik narin ang buhay ko.. Away-away pa sila.. Pagbaba ko naman mamaya naglalambingan na yang mga yan..
Nandito ako ngayon harap ng salamin at tinitgnan ko yung suot ko.. Hmmm.. Pangalawang palit ko to.. Usually kasi pag-kumukuha ako ng damit, yun na yung isusuot ko kaso yung nakuha ko kanina parang ayokong suotin kaya humanap ulit ako ng bago..
"Danielle, try mo kaya maglagay ng make-up?"
"Ate Rossie, kakati lang ang mukha ko dun. Maganda naman ako without or without make-up.. No need to worry.."
"Kanina ka pa kasi nakatingin sa salamin. Baka natitibo ka na sa sarili mo?"