[ Sana magustuhan niyo :) ]
"False."
"False ka dyan?!"
"Ano ba dapat?"
"Hindi mo crush si Bradon?"
"Hindi nga?"
"Hindi ko nga siya naging crush. Wala nga akong crush. Abnormal ako.."
"Hahaha. Nakakatawa naman. Yung totoo kasi!"
"Kulit mo nga rin. Hindi ko nga siya naging crush. Period."
"Eh bakit mo siya pinayagang manligaw?"
"Kailangan ba pagmanliligaw dapat crush din? Diba hindi naman?"
"Sabi ko nga.. Pero ang weird naman.. Hindi mo talaga siya naging crush?"
"Isa pa sasabunutan na kita."
"K! Fine! Pero sabagay.. Nerdy kasi siya noong una pero gumwapo rin naman.. Haay. Hindi mo ba talaga siya naging crush?"
Ilang beses ba iniri tong babae na to? Napakalurit din! Sinabi na ngang hindi ko siya crush eh! Lumapit ako sa kaniya saka sinabunutan ko nga ang bruha.. Pero yung pabirong sabunot lang.. Friendly sabunat ba? Parang ganun..
"Oo na! Hindi mo na crush.. Weird talaga.."
"Ano namang weird dun? Bakit ikaw? Ayaw mong umamin na nagkakamabutihan na kay ni Timothy?"
"Hindi naman talaga kami nagkakamabutihan eh!"
"Asus.. Para nga kayong magsyotang nag-aaway kanina eh.."
"Che! Hindi nga kami nagkakamabutihan.. Kulit din ng lahi mo no?"
"Di hamak naman na mas makulit yung sayo!"
Tapos nun, syempre girl talk na.. Mga 12 narin kami nakatulog.. Madami naman kaming napagkwentuhan.. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal sa kwentuhan namin.. Grabe lang talaga..