chapterSEVEN~ Blushes and Everything..

5.9K 88 20
                                    

[ Back to Danielle's POV! ]

                Habang naglalakad kami papunta sa Audi, ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga tao.

                "Yung kasama pala ni Danielle ay si Brandon."

                "Yung Nerd sa section nila Timothy?"

                "Oo! Gwapo pala pag naayusan!"

 Hay nako. Chika nanaman kung saan-saan. Nung makarating kami sa Audi ay nagrorole-call na yung organizer ng event.

                "For Alpha Class of the Juniors.. Ayumi Tatsuka and Timothy Cristobal?"

                "Present "

                "And.. Danielle Crimson and Brandon James Lopez.."

                "Present."

 Sagot namin habang paupo sa upuan., Nagtawag pa ng iba hanggang sa matapos ang role call. Nagdiscuss lang yung organizer kung ano ang mga gagawin namin at kung ano-ano yung ibat-ibang portion at competition sa pageant. Nung matapos naman ay umalis na kami at naglunch. Sumabay na sa amin si Ayumi kaya tatlo kaming sabay-sabay kumain.

                "Brandon! Ang gwapo mo pala!"

                "Ano ka ba Ayumi? Ngayon mo lang napansin? Kanina pa tayo magkasama.."

                "Ngayon ko lang naalala eh. Nag-uusap po kasi kami ni Danielle."

 Tapos nun ay sinali na namin si Brandon sa usapan. Yumabang na nga ang kumag eh. Akalain mo ba namang ipangalandakan kay Ayumi na gwapo na siya at hindi nerdy?? Pfft.

                "Pero thank you parin Danielle kasi pinilit niya akong magpa make-over."

                "Ayieee! Meron ba akong hindi nalalaman sa inyo?"

                "Ano naman ang hindi mo nalalaman?"

                "Tumahimik ka nga diya Brandon! Si Danielle ang kasusap ko."

                "Wala naman. Ano ba ang meron?"

                "Kayong dalawa! Naglilihim na kayong dalawa sa akin."

                "Ano naman ang ililihim namin sa iyo?"

                "Pwede ba Brandon? Sinabi nang hindi ikaw ang kausap ko eh! Hindi mo ba nakikita na Kay Danielle ako nakatignin?"

 Pagkatapos noon ay hindi na nagsalita si Brandon forever. Hahaha. Joke lang. Hindi na siya sumasagot. Natakot siguro kay Ayumi..

                "So... Ano ang tinatago niyo sa akin Danielle."

                "Wala nga. Ano naman ang itatago namin sa iyo?"

                "Nililigawan ka ba ni Brandon?"

Pagkasabi niya noon ay sabay naming naibuga ang iniinom namin ni Brandon. Muntik na ngang masabuyan si Ayumi, buti nalang at nakaiwas siya.

                "So confirmed na! Nagliligawan na kayo no! Hahaha."

                "Ano ka ba Ayumi? Hindi naman nanliligaw sa akin si Brandon no! Mamaya may makarinig sayo!"

Napatingin naman ako kay Brandon tapos para siyang nag-iisip. Ano naman ang pinoproblema ng mokong na ito? Kanina lang nakikitawa pa yan sa amin tapos ngayon mukha nanaman siyang hindi mapakali..

She was a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon