[ Chappy no. 3. Last update for the week. I'll be taking exams next week so bye for now. I shall return!!! ]
"Yung mga magulang mo...
... mga Gangster sila dati."
Ay sus! Akala ko naamn kung ano na. Malaman alam ko yan. Anak kaya nila ako!
"Alam ko na iyan.."
"HA?! Ang sabi nila Mama at Papa hindi daw sasabihin nila Tito at Tita na Gansters sila dati.."
"Hindi nga nila sinabi. Ako lang ang nakaalam mag-isa. Hindi nga nila alam na alam ko na. Alam ko rin na tuwing nagbubusiness trip si Dad ay nakikipagsuntukan siya. At alam ko rin na magkasosyo sila ni Tito dun.."
"Sige na. Ikaw na!" Sabi ni Brandon habang tumatawa.
Parang timang lang noh? Kanina parang takot na takot tapos naing gulat tapos tatawa-tawa ngayon. Haha.
"Magpahatid-sundo ka na ha!"
"Eh! Ayaw ko nga-"
"Pag hindi ka nagpahatid-sundo, ako mismo ang kakausap kela Tito at Tita at ikwekwento ko ang nangyayari sayo dito..""
"Sabi ko nga magpapahatid-sundo nalang ako. Nakakapgod kayang maglakad."
"Good.."
Ganun lang pala mapapapayag tong kumag na 'to. Habang nasa kotse kami ay daldalan lang kami ng daldalan. Sinabi ko ksasi na sabahay na siya kumain at ipinagpaalam ko na siya kela Tito at Tita. Nung nakausap ko nga ay pinapapunta ako dun bukas. Eto naman si ako, hindi makatanggi kaya dadalaw ako. Isama ko dw ang aking butihing ina para makapag-bonding sila. Kadramahan talaga ng mga magfulang namin..
"Teka.. si Ayumi ba yun?"
May tinuro si Brandon na isang babaeng parang nilalapitan ng mga masasamang loob. Teka nga! Parang ganito din yung sitwasyon kahapon eh! Wag niyo sabihing lalaban na naman ako?? Kaloka ha! Bagong buhay-bagong buhay pa akong nalalaman eh hindi rin pala ako titigilan nitong mga lokolokong ito.
"Teka.. Sino si Ayumi?"
"Si Ayumi? Classmate natin. Siya yung nasa harap mo. Yung madaldal."
Owwww! Siya pala yun. Kaya pala she looks family! Hahaha! Joke lang. Kaya pala mukha siyang pamilyare pag nakatalikod. Nakakaimbyerna nga yan babaeng yan eh. Kung makadaldal wagas! At kahit nagdidiscuss ang teacher eh madaldal parin pero tahimik. Alam niyo yung nakikipagusap parin siya pero hindi malakas. Basta parang ganun. Teka! Hinawakan na nung isang lalaki yung kamay niya at mukhang natatakot na siya..
"Kuya Jude! Ihinto mo yung sasakyan!"
"Bakit Danielle? Ak-"
"SINABI NANG IHINTO MO EH!!"
Bigla niyang hinito yung sasakyan kahit nasa gitna pa ito. Bumaba naman ako agad at pinuntahan si Ayumi.
"Hoy! mGa panget na mukhang rainbow ang mga ulo! Ano ang ginagawa niyo?"
"Hoy ka rin! Kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang maganda ha!"