[ Sorry for the very long wait!! Tinype ko agad to nung magkaroon na ako ng Lappy!! Sana magustuhan niyo po.. ]
"Danielle!! Ong gondo gondo nomon nong soot mo.."
"Ano ba yan?! Baka gusto mo munang lunukin yang kinakain mo?"
"Ikaw na nga pinupuri eh.."
Nandito kami ngayon ni Ayumi sa school.. Dapat ngayon yung practice naman ni Ti para sa talent portion kaso nagtext kanina yung coordinator ng pageant na may emergency meeting daw.. Yung mga boys na partner naming dalawa nauna na daw sabi ni Ayumi..
"Tungkol saan ba yung meeting na yun? Nabulahaw tuloy yung practice namin ni Brandon.."
"Hindi ko alam.. Wala namang sinabi yung coordinator dun sa message niya."
"Teka.. Diba si Lea yun?"
Tapos ay tinuro ni Ayumi ang isang babaeng puro chalk ang buhok.. Hmmm..
"Parang napasobra yata yung pulbos niya.." Ayumi
"Baka nag-age na siya agad.. Pumuti na tuloy yung buhok.."
Tapos ay nagtawanan na kami.. Hindi naman niya kami napansin kasi busing-busy siya sa kung anuman ang inaatupag niya..