(CHESTER'S POV)
Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Aliyah. Kanina pa rin ako nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kaya gusto ko sanang humingi ng paumanhin pero hindi ko alam kung paano. Baka kasi hindi niya ako pakinggan. Gabi na rin kasi at naisip kong baka pagod siya at nagpapahinga na.
Tumalikod na ako at akmang papasok sa kwarto ko nang umalingawngaw sa kabuuan ng bahay ang malakas na kulog. Narinig ko ding bumuhos ang malakas na ulan. Bigla kong naalala na takot sa kulog at kidlat si Aliyah kaya naman walang pagdadalawang isip kong pinasok ang kwarto niya.
Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang nag-iimpake. Nakapatay ang ilaw sa kwarto niya at tanging lampshade lamang ang nagbibigay liwanag sa kanya. Maingat at tahimik siyang nag-iimpake na akala mo'y may pinagtataguan. Kahit na nagngangalit ang kulog at kidlat, patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Kitang-kita ko ang pagtaas ng balikat niya kapag naririnig niyang kumukulog. Halatang pinipigilan niya ang takot niya.
"Anong ginagawa mo, Aliyah?" tanong ko sa kanya dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.
Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon niya sa pag-iimpake.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Bakit ka nag-aalsa balutan?"
Hinawi niya lang ang kamay ko at hindi sinagot ang tanong ko.
Lalapit sana siya sa bungad ng walk-in closet niya kaso mabilis ko siyang nahawakan sa braso.
"ANO NGA SABING GINAGAWA MO?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
Napangisi siya dahil sa pagsigaw ko pagkatapos ay sinalubong niya ang mga tingin ko.
"Sinisigawan mo na naman ako?" tanong niya sa akin.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa tanong niya sa akin at kumalma ako.
"Bakit hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko?" malumanay kong sabi sa kanya.
"Fine. Sasagutin na kita. Magtatanan kami ni Mathew ngayon. Matagal na niyang sinasabi sa akin 'to at napag-isip-isip kong tama siya. Tama lang na lumayo kami sa mga taong katulad nyo na tutol sa relasyon namin. Hindi ba't kabit ang tingin mo sa akin? Pwes patutunayan ko sa'yo yan."
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng People Power Revolution sa loob ng katawan ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Aliyah. Gumapang ang matinding pagtutol sa katawan ko sa desisyon niya.
"Nahihibang ka na ba, Aliyah? Bakit ka makikipagtanan kay Mathew?"
"Dahil ito ang gusto ko." Mariin niyang sabi.
Napabitaw ako sa kanya at napayuko. Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko.
"P-Pero .... Paano ako?" halos pabulong kong tanong sa kanya.
Iniangat ko ang ulo ko at tinitigan ko siya. Nakatitig lang din siya sa akin at tila binabasa ang nasa isip ko.
"Kung iyan ang desisyon mo..."
Huminto muna ako sa pagsasalita at huminga ng malalim.
"Kung iyan ang desisyon mo, pasensya na pero hindi ko hahayaang mangyari ang binabalak mo." Sabi ko pagkatapos ay hinatak ko siya papalapit sa akin at siniil ng halik.
(ALIYAH'S POV)
"Kung iyan ang desisyon mo..."