[CHAPTER 28: TBAHBH COUPLES]

19K 506 183
                                        

[PART 1: MATTHEW AND ANNIE]

(ANNIE'S POV)

"Ahmm. Excuse me miss. Nasa loob ba ng office si Matthew?" tanong ko sa sekretarya ni Matthew.

"Ma'am Annie?" tanong niya sa akin.

"Yup."

"Sorry ma'am. Nasa meeting po ngayon si Sir Matthew pero pwede naman po kayong pumasok sa loob ng opisina niya." Nakangiting wika nito.

"Ah hindi na. Pakilagay na lang 'to sa table niya." Sabi ko sabay abot ng bag na naglalaman ng bento box.

Tumango naman ang sekretarya ni Matthew at tinalikuran ko na siya. Nagsimula na akong maglakad at tinungo ang kalapit na elevator. Naghintay akong bumukas ito at laking gulat ko ng iluwa nito sina Matthew at ang ibang mga myembro ng board. Nag-uusap-usap sila at natigil ito nang makita ako ni Matthew. Halatang nagulat siya pero agad din naman itong napalitan ng ngiti.

Lumabas siya sa elevator at sumunod naman sa kanya ang mga nasa loob. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hey ladies and gentlemen! This is Annie, my wife." Ngiting-ngiti niyang sabi habang nakaakbay sa akin.

"Oww. She looks so damn beautiful!" wika ng isang babaeng sa tingin ko'y nasa mid 50's na.

"Yeah. She's so beautiful. Honestly speaking, she's more beautiful than the goddess of beauty Venus." Sabi naman nung isang matandang lalaki.

"My wife is obviously more beautiful than any other goddesses out there." Wika naman ni Matthew dahilan para magtawanan sila.

Napatingin ako kay Matthew at nakita ko kung paano siya tumawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito kasaya. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya agad kong inalis ang tingin sa kanya.

"Anyway, I think hindi ko na kayo mai-invite sa office ko. My wife rarely visits me in my office so I should treasure it."

"Hindi Matthew okay lang---"

"Well, maybe next time Mr. Sandoval. Enjoy your day with your wife." Saad naman nung isa pa pagkatapos ay sabay-sabay silang muling sumakay sa elevator habang kami naman ni Matthew ay naiwang nakatingin sa kanila.

Nang sumarado na ang elevator, agad na napatingin sa akin si Matthew at nginitian ako.

"What are you doing here?"

Lumayo ako sa kanya at kumamot sa ulo ko bago sumagot.

"Naghatid lang ako ng lunch pero kung ayaw mo okay lang---"

"Sinong nagsabing ayaw ko?" tanong niya sa akin pagkatapos ay muli akong inakbayan.

"Tara sabay na nating kainin." Saad niya at nagmartsa na kami papunta sa opisina niya.

"Woah! Bento box!" tila bata niyang sigaw nang makita ang bento box na dala ko.

"Ahmm. I know that you're an avid fan of Japanese culture that's why I decided to make you one." Nahihiya kong pahayag sa kanya.

"Hope you like it." Dagdag ko pa.

Tumingin siya sa akin at kinurot ng bahagya ang pisngi ko.

"Hindi ko pa man natitikman, gustong-gusto ko na agad." Mapagbiro niyang saad.

"Let's eat." Sabi niya at pinaupo ako sa katabi niyang swivel chair.

The Boss and Her Beki HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon