[18]

14.6K 446 168
                                        

(3RD PERSON'S POV)

Nakatanaw lamang sa malayo si Aliyah habang nakatayo malapit sa may pool. Pagkatapos maghapunan ay iniwan na niya si Mathew sa lamesa kasama ang mag-asawang caretaker ng resort ng mga Sandoval. Wala siyang ganang kumain. Iniisip niya kasi si Chester. Hindi na niya ito nakausap. Ang huling pag-uusap nila ay kagabi pa at hindi na nasundan. Sinusubukan niya itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot.

"Ano na kayang nangyari dun?" tanong niya sa sarili kasabay nang pagsipa sa maliit na bato na nasa harapan niya.

Sinubukan niya na ring tawagan sila Dub at Maine ngunit hindi rin ito mga sumasagot.

"Is there something wrong?"

Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya si Mathew na nakatayo di kalayuan sa kanya.

Hindi niya ito sinagot bagkus ay muli niyang binalik ang tingin sa malayo. Maya-maya lamang ay naramdaman niyang tumayo ito sa may tabi niya.

"May problema ka ba Aliyah?" tanong sa kanya ni Mathew.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"Hindi ko kasi ma-contact si Chester."

"Baka naman naghanap na ng iba." Tila nang-iinis na wika ni Mathew.

Tiningnan niya si Mathew at tinapunan ito ng masamang tingin.

"Kidding!" pagbabawi nito sa sinabi kanina.

"It's not funny." Iritadong wika niya.

"Whoah! Chill ka lang. I'm just trying to make you laugh pero mukhang palpak ata ang joke ko."

Inirapan na lamang niya ito at hindi pinansin pagkatapos ay niyakap niya ang sarili niya dahil biglang humampas ang malamig na hangin. Nagulat naman siya nang bigla siyang akbayan ni Mathew. Napatingin siya dito at nakita niyang nakatingin lamang ito sa malayo.

"What are you doing?" tanong niya dito.

"Baka kasi nilalamig ka." Simpleng wika nito.

Napailing si Aliyah ng bahagya at lumayo kay Mathew.

"Ano bang nagustuhan mo kay Chester? Ano bang meron siya na wala ako? Anong dahilan kung bakit mas pinili mo siya sa akin?" biglaang tanong sa kanya ni Mathew.

Tiningnan niya muna ito sandali bago nagsalita.

"Hindi naman kailangan ng dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao. Mahal ko siya dahil siya si Chester. Mahal ko siya dahil mahal ko siya at hangga't tumitibok ang puso ko, siya lang ang mamahalin ko. Ganoon lang yun kasimple."

"Napakabilis namang magbago ng puso mo. Parang dati lang ay ako ang laman niyan tapos ngayon bigla-bigla mo akong iiwan sa ere."

Bahagyang napangisi si Aliyah dahil sa sinabi ni Mathew.

"Ikaw ang unang nang-iwan Mathew. Nakalimutan mo na ba? Mas mabuti sigurong wag na nating balikan ang nakaraan. Masasaktan ka lang. Makakasama lang yan sa kalusugan mo. Just accept the fact that I don't love you anymore but I'm willing to be your friend." Wika ni Aliyah at binigyan ng isang tipid na ngiti si Mathew.

Tumingin si Mathew sa kanya at hinawakan ang mga balikat niya. Pinihit siya nito paharap sa kanya.

"Aliyah..." sabi ni Mathew pagkatapos ay gumapang ang mga kamay nito mula sa balikat ni Aliyah pababa sa bewang niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Aliyah, I can't live without you. You're my life. You're my world. Please give me a chance para patunayan na ako ang mas karapat-dapat sa'yo."

The Boss and Her Beki HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon