(ALIYAH'S POV)
Paulit-ulit kong pinaikot ang ballpen ko sa kamay ko habang iniisip ang pagtawag sa akin ni Mathew noong nakaraang araw. Simula nung araw na yun, hindi na siya muling tumawag. Nag-aalala ako para sa kanya hindi dahil mahal ko pa siya kundi nag-aalala ako sa kanya bilang isang kaibigan. Para kasing may mali sa boses niya noong tumawag sya. Kung hindi ako nagkakamali, parang kakagaling nya lang sa pag-iyak.
"Aliyah..."
Nagising ang diwa ko sa realidad nang maramdaman ang labi ni Chester sa pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatayo sa may gilid ko na may napakalawak na ngiti. Bigla namang nagwala ang puso ko. Kapag kasi nakikita ko siya, kahit na madalas naman kaming magkasama, hindi ko pa rin maiwasang kiligin.
"Bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"May ipapakita ako sa'yo!" masayang wika niya pagkatapos ay humatak siya ng isang upuan at umupo sa tabi ko.
"Ready ka na ba?" tanong niya sa akin habang ngiting-ngiti pa rin.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Kalokahan na naman yan no?!" tanong ko sa kanya.
"Hindi ah!" sabi niya sabay latag ng limang brochure ng mga magagandang lugar dito sa Pilipinas.
"Ano yan?" naguguluhan kong tanong.
Ngumiti muna siya bago muling nagsalita.
"Diba next week na ang birthday ko? So, nagbabalak akong pumunta sa isa sa mga yan. Halimbawa, pupunta tayo dito sa White Island sa Camiguin. Kilala mo ba si Kloude Henry Fontanilla? Yung CEO ng Fontanilla Group of Companies? Dito sila kinasal nung asawa niyang si Lalaine. Gusto ko ring pumunta dito sa birthday ko. Gusto ko tayong dalawa lang tapos mag-party party tayo dun!" tila preschooler niyang pahayag.
Lumawak ang kaninang ngiti ko at halos umabot na ito sa magkabilang tenga ko. Hindi ko kasi maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. Kaming dalawa lang ang pupunta. OMG! Indikasyon na ba 'to na magkaka-part two na kami?
"Tayong dalawa lang?" tanong ko sabay mapang-akit na hinimas ang kamay niyang nasa lamesa.
Agad naman siyang lumayo sa akin at hinampas pa ang kamay ko.
"Tigil-tigilan mo ako sa pagganyan-ganyan mo Aliyah. Nako! Nako! Inaatake ka na naman ng sakit mo---"
Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng isang mabilis na halik. Tinawid ko ang distansya sa aming dalawa at ginawaran siya ng isang halik.
"I love you. Always remember that." Saad ko sabay kindat.
Bigla naman siyang namula dahil sa sinabi ko at agad na napaiwas ng tingin.
"Sir, may ipapacheck lang po sana ako." Magalang na sabi ni Aika nang pumasok ito sa loob ng opisina ko.
"S-Sige. S-Susunod ako." Utal-utal na wika ni Chester pagkatapos ay agad na sumunod kay Aika na hindi pa rin nawawala ang pamumula ng mukha niya.
Natawa ako dahil sa itsura niya. He's really cute and it makes me fall in love with him over and over again.
Ilang minuto mula ng lumabas si Chester, tumunog ang cellphone ko. Napakunot pa ang noo ko nang makitang unknown number 'to pero sinagot ko pa rin naman.
"Hello?"
"Aliyah..."
"M-Mathew?" kunot-noo kong tanong.
