(ALIYAH'S POV)
Simula nang pumasok kami ni Chester dito sa opisina, hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Para na nga akong asong nauulol dito sa kakangiti. Alam kong nagtataka na siya sa kinikilos ko. Sa tuwing mapapadako kasi ang tingin niya sa direksyon ko, mas lalong lumalawak ang ngiti ko. Well, hindi niyo ako masisisi. Hindi pa rin maalis ang kilig na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya kagabi. Kung alam niya lang, hindi ako nakatulog ng matino dahil sa ginawa nya.
"Aliyah, ayos ka lang?" tanong niya sa akin habang abala sa pag-aayos ng mga gulo-gulong folder sa ibabaw ng lamesa niya.
"Yeah." Sagot ko naman habang may napakalawak na ngiti na animo'y aabot na sa tenga ko.
"Para ka kasing timang diyan bruha!" sita niya sa akin.
"Just don't mind me bebe ko." Saad ko naman sabay kindat sa kanya.
Napailing na lang siya dahil sa inasal ko pagkatapos ay binuksan na niya ang laptop niya at nagsimula ng magtrabaho. Samantalang ako, heto at nakatitig pa rin sa kanya. Itinukod ko ang siko ko sa lamesa pagkatapos ay ipinatong ko ang ulo ko sa kamay ko at pinagmasdan lang si Chester.
"Ano bang kailangan mo? Kanina ka pa nakatingin. Nakakailang na ha!" sabi niya habang abala sa pagtitipa sa laptop niya.
"Wala lang. Gusto lang kitang tingnan."
Napatingin siya dahil sa sinabi ko pagkatapos ay bigla siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Tumayo ka ngang bruha ka." Sabi niya sa akin.
"Bakit?" naguguluhan ko namang tanong.
"Basta. Tumayo ka na lang."
Napabuga muna ako ng hangin bago tumayo at pumunta sa harapan niya.
"Bakit ba kasi---"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang yumuko at itinapat ang tenga niya sa may tiyan ko.
"What are you doing?" takhang tanong ko sa kanya.
"Pinapakinggan ko kung may natibok sa loob ng tiyan mo. Baka buntis ka at pinaglilihian mo ako."
"Gaga! Hindi!" saad ko sa kanya sabay batok.
"Aray! Bakit ka ba nambabatok?"
"Para ka kasing sira!"
"Ah. So sira na pala ako ngayon? Masama bang akalain na buntis ka? Ayaw mo atang maging ama ako ng anak mo! Okay fine!" sabi niya at tinalikuran ako.
Nataranta naman ako dahil sa ginawa niya. Bakit parang ang bilis naman niyang magalit? Napakababaw naman ng dahilan ng ikinagagalit niya.
"S-Sandali C-Chester! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!" wika ko habang sinusundan siyang bumalik sa table niya.
Huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako hinarap.
"Chester..." sabi ko at niyakap siya mula sa likuran.
"Sorry na. Hindi naman yun yung gusto kong sabihin eh!" dagdag ko na may kasama pang pagpadyak.
"Uyy. Wag ka na magalit." Saad ko na may kasama pang pag-sundot-sundot sa tagiliran niya pero tulad kanina, dineadma lang ni bakla ang pagpapacute ko.
Dahil mukhang nagtampo talaga siya, bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at umikot papunta sa harapan niya at ang loko, ngiting-ngiti.
"Bakit ka nakangiti?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
