[11]

15.8K 479 111
                                    


(CHESTER'S POV)

"Ang ganda ng condo mo bes ha!" puri ko sa condo ni Bonnie na puro red, gray and white lamang ang makikita.

"Kasing ganda ko ba CC?" tanong ni Dolly sa akin na may kasama pang pagpapuppy eyes.

Dahil sa ginawa niya, binato siya ng hawak na throw pillow ni Bonnie at sinipa pa sya sa may hita.

"Bruhang 'to! Nagmamaganda na naman. Condo ko 'to kaya ako ang maganda!" pagtataray ni Bonnie.

"Chaka mo kaya bes. Wag kang feeler. Baka magalit sa'yo ang mga sang'gre!"

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa pagkatapos ay ininom ko na lang ang pineapple juice na nasa harapan ko.

"So, anong problema mo sa asawa mong merlat?" biglang baling na tanong ni Bonnie sa akin.

"Oo nga, CC. Minsan na nga lang tayo magkita tapos ang topic pa natin ay yang asawa mong Dyosugh!" singit naman ni Dolly habang hinihimas-himas pa ang hita niyang sinipa ni Bonnie kanina.

Tinapos ko muna ang iniinom ko bago sila sinagot.

"Minahal ko eh." Simpleng sagot ko dahilan para mapaubo ang dalawa kong kaibigan.

"Kaloka bakla! Abutan na ba kita ng ballpen? Para mapirmahan mo na ang resignation form mo sa federation? Mygaaaad! Tiboli ka na!"

"Tumigil ka nga muna diyan, Dolly. Patapusin mo muna sa pagkekwento si CC! Nagrereact ka kaagad eh!"

"Nakakalerkey kasi 'tong mga rebelasyon ng ate mong CC! Osya sige na bes! Continue na ang telenobela!"

"So ayun nga, kaya ko lang naman siya pinakasalan kasi sobrang gipit na gipit ako that time at alam kong alam nyo yan. Ako ang breadwinner sa pamilya kaya sobra ko talagang dinibdib ang pagkakasara ng Ootori's Pastries. Hindi ko alam kung saan ako mag-aapply tapos bigla ko siyang nakilala. Inofferan niya akong papasahurin niya ako ng limang beses ang taas sa normal kong sahod. At ang magiging trabaho ko? Simple lang naman. Maging asawa niya hanggang sa araw na maka-move on siya sa ex niya. Hindi ko talaga alam kung ano pa ang ibang motibo niya sa pagpapakasal sa akin pero naging praktikal lang ako dahil iniisip ko ang sakit ni nanay at ang pag-aaral ng kambal kong kapatid. Pikit mata kong tinanggap ang alok niya. Noong una, awa lang ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa kinahinatnan ng relasyon niya pero ng dumating sa buhay namin si Mathew at muling guluhin ang mundo ni Aliyah, doon na nagsimulang makaramdam ako ng kakaiba kay Aliyah. Nagseselos na ako at nakakaramdam ng inis. Yun pala'y mahal ko na siya. Nung gabing yun, kaya ko ginawa yun kasi ayokong mawala siya sa akin. Ayokong tuluyan siyang sumama sa Mathew na yun." Mahabang salaysay ko kela Bonnie at Dolly.

Ipinatong ni Bonnie ang kamay niya sa likod ko at hinimas-himas ito. Si Dolly naman ay kumuha ng tissue at walang tigil na pinunasan ang gilid ng mga mata niya kahit wala naman itong luha.

"Anyare sa 'yo bakla? May pagkuha ka pa ng tissue." Tanong ni Bonnie kay Dolly.

"Nalerkey ako sa mga sinabi ni CC eh. Neke! Sinasabi na nga ba't wala talagang magandang maidudulot yang mga merlat na yan sa atin. Bakit ka ba naman kasi na-fall sa kanya beshy? Marami namang boylet diyan. So, ano ng plano bakla? Kelan ang next round?"

Agad namang binato ng tsinelas ni Bonnie si Dolly.

"Anong next round ka diyan? Itikom mo na nga yang bibig mo!" iritang wika ni Bonnie kay Dolly.

"Okay. Shut up na meh!"

Napailing na lang si Bonnie dahil sa inasal ni Dolly pagkatapos ay binalingan niya ako.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon