[23]

15.1K 438 105
                                        

(3RD PERSON'S POV)

"Ma'am! Ma'am!"

Naguguluhang napalingon si Annie sa isang gwardya na humahangos papunta sa kanya.

"Anong nangyayari sa'yo Kuya Delfin?"

Napayuko ang gwardya at napahawak sa magkabilang tuhod niya.

"Ma'am..."

"May problema ba?" tanong ni Chester na nakasuot pa ng apron.

"Ayos lang po ba kayo ma'am?" tanong ng gwardya habang nagpupunas ng pawis.

"Opo. Bakit naman po hindi?"

Umayos ng tayo ang gwardya at tila may hinahanap.

"May nawawala po ba sa inyo?"

"Teka? Kuya? Ano po ba talagang ganap? Nakakaloka na ha!" singit ni Dolly habang nagsusuklay pa.

"Ganito po kasi yun ma'am. May lumapit po sa aming lalaki kanina. Naka-all black po at hindi po namin gaanong makita ang mukha niya kasi naka-cap siya. Galing po siya dito at inabutan niya kami ng isang inumin. Sabi niya tsaa daw yun na nanggaling daw sa inyo. Nag-aalala daw po kayo sa amin. Mas mabuting inumin daw namin para naman mahimasmasan ang pagod namin. Hindi po kami nagduda ma'am kasi akala po namin kasama niyo siya dahil galing siya dito sa loob. Pero ma'am pagkatapos naming inumin yung binigay niya, bigla na lang kaming nakaramdam ng antok. Kahit na anong gawin naming dilat, kusang pumipikit ang mga mata namin. May halo po atang pampatulog yung binigay niya. Bago po ako tuluyang makatulog, narinig kong may tinawagan siya at pinapalabas niya." Mahabang paliwanag ng gwardya habang bakas sa mukha ang kaba.

"Ahmm. Wala naman pong nawawala sa amin. Baka naman po --- Sh*t! Nasaan si Aliyah?!" saad ni Annie na awtomatikong hinanap si Aliyah.

Hindi na nagdalawang isip pa si Chester. Agad niyang hinubad ang suot niyang apron at halos liparin na niya ang hagdanan papunta sa kwarto niya kung saan natulog si Aliyah pero wala ito doon. Tiningnan na rin niya sa iba pang mga kwarto pero wala din. Pagktapos nun ay bumaba na siya at salubong na ang mga kilay niya.

"Wala ba siya sa labas?" tanong niya at halata sa boses niya ang kaba.

"I saw her a while ago. Tumatakbo siya. Tinanong ko kung saan siya pupunta pero hindi niya ako sinagot. Parang naiiyak din siya." Pahayag ni Annie habang kinakagat-kagat ang hinlalaki niya.

"What's happening here?" tanong ni Stella na kakapasok pa lang at halatang bagong ligo.

"Aliyah is missing." Sagot naman ni Bonnie.

"Baka naman umalis na at iniwan na tayo dito. Alam mo naman yun. Mahilig mang-iwan tulad ng ginawa niya kay Chester dati." Nakataas ang kilay na wika ni Stella dahilan para tapunan siya ng isang matalim na tingin ni Chester. Napaatras naman siya dahil ito ang unang beses na sinamaan sya ng tingin ni Chester.

"Chester, may number ako ni Kamea. Tatawagan ko." Sabi ni Annie para mabasag ang katahimikan.

Tanging tango na lamang ang naisagot ni Chester habang nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

"Hello Kamea." Bati ni Annie.

"Hello Annie. Bakit ka napatawag?"

"Ahmm. Itatanong ko lang po kung kasama niyo po si Aliyah ngayon or kung nakausap mo ba siya?"

"Hindi. Bakit may nangyari ba?"

"I'll call you back Kamea." Saad ni Annie at mabilisang tinapos ang tawag.

The Boss and Her Beki HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon