[20]

15.7K 462 106
                                        


(ALIYAH'S POV)

Gabi na ng makarating ako sa unit ko na katapat ng unit ni Chester. Nakatayo lamang ako sa harapan ng pinto ni Chester. Hinihintay ko siyang lumabas habang may hawak-hawak akong travel bag. Nasa loob na ng unit ko ang mga gamit ko pero itong travel bag ay props ko para sa acting na gagawin ko. May mga laman itong damit pero hindi naman karamihan. Sapat lang para mabuhat ng sexy'ng katulad ko. Charot!

Matapos ang ilang minutong paghihintay, lumabas na din ang hinihintay ko. Sumilay ang isang ngiti sa labi ko pero agad din itong nawala nang makita kong tila lintang nakakapit sa braso ni Chester si Stella. Nagtatawanan pa sila habang papalabas ng unit ni Chester at pasimple pang hinahampas-hampas ni Stella ang dibdib ni Chester. Kung hindi siguro mahigpit ang pagkakakapit ko sa hawak-hawak kong bag, baka naibagsak ko na 'to.

Pero kahit na hindi ko kinaya ang nakita ko, pinilit ko pa ring umacting.

"A-Ah. A-Ah." May kalakasang sabi ko habang kunwari ay bigat na bigat sa dala kong bag.

Hindi naman ako nabigo. Naagaw ko ang atensyon ni Chester. Napatingin siya sa dako ko at tila nagulat siya.

"U-Uy. Nandyan k-ka pala Chester." Sabi ko at nagpeke ng ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noo niyang tanong sa akin.

Binigyan ko muna siya ng isang ngiti bago binaba ang bag ko at nag-unat-unat.

"Nabili ko ang unit na 'to. Akalain mo nga namang dito ka rin pala nakatira." Wika ko na hindi pa rin inaalis ang ngiti ko.

Napansin kong inikot niya ang mga mata niya. Indikasyon na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Ahmm. Kung hindi naman nakakahiya, baka pwedeng tulungan mo ako sa bitbit ko? Ang bigat kasi." Dagdag ko na sinamahan ko pa ng pagnguso. Kahit na mukha akong pato, keri lang.

"Tulungan mo daw yung asawa mo." Sabat ni Stella na tila nangungutya. Mahina niya pang tinutulak-tulak ang balikat ni Chester.

Tumingin sa kanya si Chester at tinaasan siya ng kilay pagkatapos ay muling tumingin sa akin.

"Peke lang ang kasal namin kaya hindi ko siya asawa." Saad ni Chester na titig na titig sa mga mata ko.

Dahil sa narinig ko, awtomatikong nanikip ang dibdib ko at nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Tara na Stella! Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya sabay hatak kay Stella papalayo sa akin.

"Okay sweetie." Saad naman ni Stella at muling kumapit sa braso ni Chester.

Pinagmasdan ko silang maglakad papalayo sa akin. Kung titingnan mo sila sa malayo, mukha silang mag-asawa. Ang sakit tingnan na yung taong mahal mo ay may ibang kasama. Kung hindi ko lamang siya nasaktan noon, baka masaya na kami ngayon.

"Ang sakit na. Ang sakit sakit na Chester." Pabulong kong sabi sa sarili ko at napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang sakit.

Pagkatapos ng tagpong iyon, pumasok na ako sa unit ko at nag-ayos ng gamit. Pinilit kong libangin ang sarili ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagpatak ng alas onse ng gabi, nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisipan kong lumabas para bumili ng makakain. Nakita kong may kalapit na convenience store itong Big Hit. Doon na lamang ako bibili.

Papalabas na sana ako ng building nang makita ko ang isang lalaking nagbubuo ng 7x7x7 rubik's cube. Literal akong napanganga dahil halos hindi ko na makita ang mga daliri niya dahil sa sobrang bibilis nitong gumalaw at ilang segundo pa ang lumipas, nabuo na niya ito.

The Boss and Her Beki HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon