[13]

17.7K 582 151
                                        

(A//N: So ayern, dedicated 'to kay @KusangKuting kasi natawa ako sa pagkanta niya ng RiteMED kahit na mas bet ko ang Beat Energy Gap ni pareng James Reid. HAHAHAHA! Anyways, enjoy mga bes!)

(ALIYAH'S POV)

Bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko, naisipan ko munang silipin si Chester sa kwarto niya. Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa kwarto niya tulad ng madalas kong gawin dati. Pagkapasok ko, nadatnan kong mahimbing na siyang natutulog. Nakasuot na naman siya ng fitted na sando at boxer shorts na may mukha ni Patrick Star.

Napangiti ako dahil sa itsura niya. Nakanganga siyang matulog habang nakataas ang dalawang kamay. Mukhang pagod na pagod si bakla. Hindi siya pumasok sa opisina ngayon kasi sinamahan niya si Nanay Yenny, ang nanay niya, sa monthly checkup nito tapos ay namasyal na rin sila para ma-refresh ang pag-iisip ni nanay.

Hindi ko maiwasan ang sarili ko na pagmasdan si Chester. Ang cute cute niya kasing tingnan. Lalo na ang labi niyang kissable. Pakiramdam ko tuloy inaakit ako ng mga labi niya. Charot!

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa may bedside table. Nakita kong si Stella ang tumatawag at ang nakalagay pang pangalan nito ay 'Stellang Chararat'. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Matutuwa kasi nakakatawa yung pangalan ni Stella sa phonebook niya o maiinis kasi naka-save ang number ni Stella sa kanya at tinatawagan siya nito ngayon.

Kinuha ko ang phone ni Chester at pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ang lumipas, muli na namang tumunog ang phone ni Chester. Akala ko ay si Stella na naman pero nung tingnan ko, si Annie ang natawag. At ang pangalan niyang naka-save sa phonebook ni Chester? Well, 'Annie Bestie' lang naman.

Nag-init agad ang ulo ko pagkabasa ko sa pangalan ni Annie sa screen kaya agad kong inignore ang tawag. Ewan ko ba. Pero mas naiinis ako kay Annie kesa kay Stella siguro ay dahil mas malapit si Annie kay Chester.

Napabuntong-hininga ako at napatingin kay Chester na tulog pa rin hanggang ngayon pero nakatikom na ang bibig niya at nakababa na rin ang mga kamay niya. Tumungo ako para magkalapit ang mga mukha namin.

"Ang dami ko namang kaagaw sa'yo. Pogi mo kasi bes." Bulong ko sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig dahil tulog na tulog siya.

At dahil mahimbing naman ang tulog niya, sinamantala ko ang pagkakataon para nakawan siya ng isang halik. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya at pinaglapat ko ang mga labi namin. Napapikit pa ako habang dinadama ang malalambot niyang labi sa labi ko.

Nang mag-angat ako ng ulo, nanlaki ang mga mata ko nang makitang mulat na mulat na ang mga mata niya at nakatingin ng seryoso sa akin.

"Tapos ka na bang nakawan ako ng halik?" tanong niya sa akin.

Namula naman ako dahil sa tanong niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

"K-Kanina ka p-pa ba gising?"

"Oo. Simula nung tumunog ang cellphone ko."

Mas lalong namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin narinig nya ang sinabi ko?

"N-Narinig mo ang sinabi k-ko?"

"Oo. Pero wag kang mag-alala. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi katulad mo na dalawa kami dyan sa puso mo."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya at na-guilty din ako. Siguro ay labis ko na talaga siyang nasasaktan dahil sa ginagawa ko.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

The Boss and Her Beki HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon