Chapter 10

571 29 3
                                    

Vio's POV

Hindi na bago sakin ang makitang nakikipaghalikan si Jaydee sa iba't ibang babae ngunit kapatid ko na ang pangalawang beses nyang nahalikan na. Inilayo ko si Veronica kay Jaydee. Hinarap ko ang kambal ko na gulat pa din dahil sa ginawa ni Jaydee. 

Napansin kong in'off na ni Chael yung voice recording na kumokonek don sa lahat ng speakers dito sa buong unibersidad. "Alam nyo bang lahat ng estudyante dito ay alam yung mga pinag usapan nyo?" Galit kong sabi sa kanila. Oo nagagalit ako dahil sa pang ilang beses ay baka magkaroon na naman ng bad records itong kambal ko sa mismong university namen. 

"I didn't know Kuy----" I cut her words

"Ayun nga Veronica eh. Sana naman ay pigilan mo yung sarili mo sa ganitong bagay. Ayokong napapahiya't nasasaktan ka eh. Pero ikaw na mismo ang gumagawa ng dahilan kung baket ka napapahamak eh." Nakita kong sumilip na ang kanyang luha at tuloy tuloy itong umagos. Niyakap ko siya. Kahit hindi niya ko niyakap pabalik ay alam kong nahihiya lang sya saken sa mga oras na to.

"I'm sorry Kuya. Naalala ko kase yung batang nagnakaw ng halik sakin eh. Sya si Eth eth yung apo ng adviser ni Daddy. Then now, He's looking at the girl who kissed him back then. And ako yon Kuya. Ako yon! Ayokong makita sya. Ayoko!" Alam kong masakit para sa kaniya ang makuha ang first kiss niya ng isang stranger na lalaki. Malaki kase ang naging trauma niya dito. Bigla bigla nalang sya naba'blanko when she heard KISS. Bigla nalang syang nawawala sa sarili niya. Hindi ko naman sya masisisi eh. Ang iniisip kase niya ay napasamantalahan sya ng hindi niya kilala. Kaya nung mahalikan sya ni Jaydee ay bumalik yung takot na yon sa puso niya na baka sa susunod na araw ay hindi na halik ang nakawin kundi yung virginity niya. Kaya never syang nagsuot ng mga shorts eh para maiwasan. 

"Sshhhh! Tahan na Veronic----VERONICA." Buti ay agad ko syang nasalo. Bigla kase syang hinimatay. Eto na nga ba ang ikinakatakot ko eh. 

"Dalin na natin sya sa clinic." Pag aalalang sabi ni Arthur kaya't agad ko syang itinakbo sa clinic. 

Mabilis akong nakarating sa clinic at inihiga ko don ang walang malay kong kambal. Ang amo amo ng mukha niya habang natutulog. Baket ba nangyayare to sa kapatid ko.

"Bro?" Si Jaydee yon. Hinarap ko sya at agad na nakatanggap ng kamao ko. Nagagalit ako dahil sa paggawa niyang yon kanina. Okay lang naman talaga saken pero kung ganito yung nangyayare sa kapatid ko ay hinding hindi ko matatanggap. "Bro I'm sorry." Sabi nito. Inambaan ko pa sya ngunit pinigilan nako ni Arthur at Chael.

"Nabanggit ko naman na sayo na may trauma sya sa halik diba? So why did you still do it to her?" Gigil kong sabi sa nakaupong si Jaydee dahil sa suntok ko.

"I forgot about that Vio. And I'm so sorry." Sincere nyang sabi saken. Tumayo na sya at chineck yung gilid ng labi kung may dugo pero wala. Magkakapasa lang siguro yan!

Seryoso akong tumingin sa kanya. "Wag na wag mo nang lalapitan ang kapatid ko Jaydee." At lumabas ako. Tatawagan ko kase ang Kuya Kio namen.

Nang sagutin niya ito ay agad kong sinabe. Medyo nagalit sya pero pinigilan ko nalang. Ayaw na ayaw din kase niya na napapahamak ang bunso namen.



-

Veronica's POV

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nung mahimatay ako. Mula nung nangyarw yung araw na yon. Minsan nakakalungkot kase hindi ko akalaing namimiss ko si Jaydee. Oo inaamin ko yon. Pagkagising ko kase non ay tila seryoso silang lahat. Pati si Kuya Kio ay nandon sa clinic that day. At nalaman ko ding binira ng kambal ko si Jaydee. Hindi ko naman sya masisisi eh kase alam kong ayaw niya lang akong masaktan. Sweet pakinggan pero nakakalungkot lang. Okay naman na sina Kuya at Jaydee. Ngunit kame ay hindi. Hindi na niya ko pinapansin. Hindi na sya nagsusungit saken tulad noon. Hindi na rin niya ko binubwisit. Nakakamiss lang pala talaga!

"Veronica?" Napalingon ako sa likod ko at hinarap yung tumawag saken. Si Kuya Vio, at yung tatlo. Nagulat ako kase kasama si Jaydee don. Nagkatinginan lang kame ni Jaydee, malungkot niya kong tinignan kitang kita ko yon at ramdam na ramdam ko din yon.

Di ko napansin na katabi ko na pala si Kuya. Ngumiti sya saken at tinuro si Jaydee. "Ayokong nagkakaroon ng gap sa tropa. And I'm sorry kung nagawa kong huwag palapitin si Jaydee sayo. Dalawang buwan na rin lang naman ang nakalipas kaya't sige mag away na kayo." Pabiro niyang sabi sa huling line niya. Napangiti ako sa sinabing iyon ni Kuya.

Lumapit din yung tatlo samen. Hindi maalis ang tingin ko kay Jaydee sa mga oras na to. And I felt my heart beating so fast.

"Hi Veronica. Sorry for doing that stupid thing. I hope we ccan be friends again." Sabi niya. I smiled.

Hindi ko alam pero niyakap ko sya nang sabihin niya yon. Nagulat sya pati din yung tatlo sa paligid namen. "Kalimutan na natin yon. Wala namang may kasalan sa nangyare eh." Bulong ko sa kaniya.

"Yeah."





--

A/N: I'm sorry for the short UD. Medyo naliligaw ata ako. Hahahahahah! But still susundan ko ito. Comment and Vote. Thankssss :* Mwaaah.

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon