"Veronica gising na.....Dali na papasok na tayooo....Ay jusko talagang babaeng to...KUYAA KIOOO."
"Oh? Ayaw pabang gumising?"
"Oo Kuya eh."
"Osya. Sabay na tayo.....1.....2....3..."
"PIA MAXINE VERONICAAAAA."
Napabangon ako bigla nang marinig ko ang malakas na sigaw na yon. As in, dilat na dilat ako sa oras na 'to.
"HAHAHAHA. Nakakatawa ka kambal. Bumangon kana nga dyan. Malalate tayo sayo eh." Ang magaling kong kambal. Kumunot ang noo ko. Sira na ang araw ko nang makita ko ang mukha nito.
Adi nasisira pala ang araw mo kapag nakikita mo mukha mo sa salamin?
Gossh! No. Tss. Kaasar naman eh.
Hinila ako ng dalawa kong kapatid patayo. At tinulak papasok sa bathroom ng kwarto ko. Kahit maasim ang itsura ko ngayon ay diko magawang magreklamo dahil tulog pa ang diwa ko.
"Maligo kana. Nandyan na yung uniform na isusuot mo. Dalian mo para makakain na tayo." Boses ni Kuya Kio yon.
"K."
-
"Pero Mom. Ayoko talaga sa university na yon." Reklamo ko. Nasa harap ko sina Mom and Dad pati na din yung dalawa kong kapatid.
"Anak. Nakaregister kana don. Atsaka mas okay na rin yung nababantayan ka ng kambal mo." Mom.
"Makinig ka samen Anak. Para sayo na din to para kapag may nakaaway ka man ay may pipigil na sayo." Tuloy ni Dad.
Nakakunot lang ang noo ko sa mga sinasabi nila.
"Oo nga naman kambal. Makinig ka sa kanila." Alam kong sa tono na yon ng kambal ko ay may halong pang aasar don. Sinikmuraan ko nalang sya. "Araaay. Aaissh! Mom Dad, babae ba talaga to? Mas lalaki pa saken eh." At bago sya lumayo sakin piningas pa niya yung tenga ko sabay dinilaan pako. Kaasar talaga to.
Umakbay sakin si Kuya. "Wala ka nang magagawa Veronica. Wag kang pasaway ha. Sigena, ihahatid ko kayo ni Vio sa university." At wala na nga akong nagawa. Suot ko naman na din ang uniform ng university'ng yon. Ang nakakaasar pa ay ang ikli nitong paldang suot ko. At ang init ng blouse. May t.shirt na white sa loob at may nakapatong pa na blouse na kulay itim. Gets nyo ba? Basta yun yon. Haynako!
Nasa kotse na kame ni Kuya Kio at patungo na sa Lady Maxxy University. Wag na kayo magtaka kung bakit ganon yung pangalan ng university. Si Mom ang may pakana non.
"Wag kang kabahan kambal." Aba't ayaw talaga akong tigilan nito.
"Tigilan mo ko Kuya ah." Mataray kong sambit sa kaniya. Natatawa nalang sya pati na din si Kuya Kio.
"Tsaka please lang kambal, Alisin mo ang Kuya. Vio nalang." Inirapan ko nga sya. Ano ka sinuswerte!
"Oh sige. Wala nang Kuya." Ningitian ko siya. "Verone nalang." Napasapo naman sa noo ang kambal ko. Hahaha Ayw na ayaw nya ang Verone sa pangalan niya mas pipiliin na daw niya ang Maxine kesa sa Verone.
"Hahahaha. Natumpak mo Veronica." Sabat ni Kuya. Sya yung nagd'drive at nasa passenger si kambal. Ako sa back seat. Prinsesa eh. Haha
Di nagtagal nakarating na din kame sa university. Hindi na pinasok ni Kuya Kio sa loob yung sasakyan dahil aalis na din kase sya. Kaya nagpaalam nalang kame sa kanya. At humalik ako sa kaniyang pisngi.
"Ingat Kuya." Sabay naming sabi ni Kambal. "Byeee." Sya.
Pumasok na kame sa university at sumalubong ang tili ng mga babaeng nag aaral dito.
BINABASA MO ANG
Am I Falling Inlove With My Twin's Bro?
Roman pour AdolescentsSi Pia Maxine Veronica Adam ay isang simpleng babae na kapag ginalit mo o inaya mo sa isang away ay hindi umuurong kaya't nung sya'y napaaway sa kanilang university ay kinick out sya kaya't ngayon ay sapilitan syang ipinasok sa mismong university ni...