Napunta ako dito sa isawan nila Ate Anna. Hindi pa kase ko kumakaen kaya dumaan ako dito at kumain. Inulam ko ang tatlong isaw, hotdog, barbecue at yung itlog na orange. Nabusog nga ako sa sobrang daming nakain ko eh. Ang sarap din kase ng suka nila.
"Buti at nakakakain ka niyan Miss Veronica kase alam mo ang daming students na ayaw dito lalo na dyan sa university nyo. Ang daming maaarte." Wika ni Kirsty, Anak sya ni Ate Anna. Ang sipag nga ng babaeng to eh, nag aaral na nga tinutulong nya din ang Mama niya dito sa isawan tapos namamasukan pa sa gabi doon sa cafè.
"Nako. Nung una ayaw ko din dito talaga kase medyo nakakadiri yung itsura nya but then, After I tasted it ayun naging favorite ko na.....And by the way Kirsty, Veronica nalang itawag mo saken. Wala ng Miss ha." Sabi ko. Tapos nako kumaen kaya't naghugas nako ng kamay.
"S-sige po V-veronica." Nahihiyang sabi niya. Napangiti nalang ako. Dumating si Ate Anna at inabutan ako ng alcohol, tinanggap ko nalang yon at naglagay nako agad sa palad ko.
"Okay naba yung sugat mo? Mahapdi paba?" Tanong nito. Umiling ako at ngumiti
"Okay napo. Salamat po Ate Anna." Ginamot niya kase ang sugat ko kanina bago ako kumaen at inaayos naman ni Kirsty ang kakainin ko non. Ang bait nilang mag ina.
"Ano kaba okay lang yon. Kapag wala kang ginagawa punta kalang dito ha." Nakangiting sabi nito saken.
"Opo naman."
--
Bumalik nako sa school para makaattend sa last 3 subjects. Bukas wednesday na at p.e day yon kaya madaming oras para maglakwatsha. Hahaha
Dere-deretso akong pumasok sa gate. Pinigilan pa nga ako ni Manong Guard at sinisigaw saken kung san ako galing. Nagulat siguro kase galing ako sa labas.
Pinagtitinginan ako ng mga students dito. At halata mong pinag uusapan ako ng ilan pero diko nalang pinansin. Baka mabuset ako. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag'vibrate ng phone ko.
Binasa ko yun agad. Si Kuya Vio pala.
Kambal kong baliw ♥
- Where are you kambal? I'm really worried na sayo. Kumaen kaba? Hindi kita nakita after mo kong takasan kanina. Hinanap kita but then, wala ka. Asan kaba? Tinake out kita ng favorite mong burger steak. I'm here sa room. Wag kang magc'cut ha. Malalaman yan ni Mom. Lagot ka na naman. I love you kambal. And I'm sorry for not being around kanina. I didn't know. I'm sorry.
Ang haba ng message ni Kuya Vio. At napangiti ako don. Siguro nalaman nya ang nangyare saken kanina kase sabe nya sorry for not being around kanina. Nalungkot din ako at the same time dahil pinag alala ko ang kambal ko. Bilis bilis akong naglakad patungo sa room lalo na't tinake out nya ko ng burger steak. Kahit kumaen nako, go padin. Favorite eh.
"KAMBALL." Banggit niya nang makita nya ko papasok ng room. Sinalubong nya ko at niyakap bigla. "I'm sorry 'bal. Akala ko di ka na naman papasok eh." Binitawan na nya ko. "Okay ka naba? Hindi ba masakit yung sugat mo?" Pag aalalang tanong nya. Ngumiti ako and this time, ako naman ang gumulo sa buhok nya kahit mas matangkad sya saken.
"I'm fine Kuya. Don't worry about me. Anyways.." Ngumiti ako at tinaas taas ko yung kilay ko.
"Nako alam ko na yan. Hahaha Tara don sa dulo." Kaya't hinila na nya ko dun sa dulo. Sumalpak kame sa sahig at hinanda nya yung pagkain ko. Hahahaha. Naamoy ko na. Sarap sarap.
"Maxx." Lumapit din samen si Shaina at si Arthur naman na tumabi kay Shaina, As in wow nagulat ako. Hahaha bago kase saken yun eh.
"Yow." Sabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
Am I Falling Inlove With My Twin's Bro?
Teen FictionSi Pia Maxine Veronica Adam ay isang simpleng babae na kapag ginalit mo o inaya mo sa isang away ay hindi umuurong kaya't nung sya'y napaaway sa kanilang university ay kinick out sya kaya't ngayon ay sapilitan syang ipinasok sa mismong university ni...