Chapter 14.

523 36 7
                                    

A/N: Hi there ♥ Medyo nalalate akong mag'update. HAHAHAHA Pasensya na. It's just that, may mga panibago akong naiisip na story that's why. Support nyo din yung kwento kong "Hindi Ko Na Alam". Pleysss! Hahahahaha. So here the next chapter..



------------

*Veronica's POV*

Kami kami nalang ang natira ngayon dito sa rooftop. Natulog na yung Mama ni Jaydee tapos yung kapatid niyang bunso. Well, anong ginagawa namen dito? Nag uusap usap ng kung ano-ano. Sabi ko nga matutulog nako kase alas dos na ng madaling araw, antok na antok nako. Kaso itong mga ito napili pang maglibang kesa matulog.

"Ano pa bang pag uusapan natin?" Utas ko habang naghihigab. Nakatanggap naman ako ng pitik sa ilong galing kay Arthur. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Makiride kana nga lang." Sabi pa nya

"Ang killjoy talaga nito. Buti pa itong syota ni Arthur nakikisama." Utas pa ni Chael saken. Aba mga pagtulungan daw ba ko.

*Paaaaak*

"Aray." Daing ni Chael. Oh well nakatanggap lang naman ng sapak kay Shaina. Hahahaha! Syota ba naman daw sila ni Arthur eh.

"Anong syota pinagsasabe mo dyan. Matira man to sa mundo hinding hindi ko to papatusin." Napa'AWW kami sa sinabing yon ni Shaina. Ang harsh eh.

Tinignan ko si Arthur, ayon nakapout ang tae. Don't tell me nasaktan to. Ano naba kasing status ng dalawang to?

"Ano naba kasi status nyong dalawa?" Tanong pa ni Chael. Wow! Nasa isip ko lang yon kanina ah. Kaya't hinintay ko talaga yung isasagot ng dalawa sa tanong na yon.

"Oo nga naman. Ano na nga ba? Hindi kayo mapaghiwalay eh." Saad pa ni Kuya.

Nagka-ilangan yung dalawa kaya parehas na nag iwas ng tingin. Hala hala. Anong ibig sabihin nito?

"Pwedeng i-private pero di kailangang i'secret."

Napatingin kame sa sinabing iyon ni Jaydee. What a big word. Minsan na nga lang magsalita yung tatama pa talaga at yung may sense hindi tulad ni Arthur. Hahahaha!

Tumingin din yung dalawa kay Jaydee, siguro tinamaan. Hahahaha dapat lang no. Mga nagtataguan pa kase eh.

Napansin kong huminga ng malalim itong si Shaina bago magsalita. "Okay okaaaay. Suko na ko. Ito kase eh." Sabay palo kay Arthur. "Sabi kong sabihin na sa inyo kaso sya nag iinarte. Kesyo daw baka asarin nyo sya ganon ganyan." Dagdag pa niya. Mukhang alam ko na. Pero syempre mas okay paring sabihin ng dalawa yung totoo.

"Yun ba tingin mo samen bro?" Pagdadrama naman nitong ni Chael with punas fake luha pa.

"Oo nga naman bro. Ang sakit lang na ginaganto mo kame." Panggagaya naman ni Kuya. Sus walang originality si Koya. Hahaha! Nagtaka pa nga ako kung bakit sila tumingin lahat kay Jaydee. Baket?

"Oh?" Takang tanong din nito.

"Ikaw? Hindi kaba magdadrama like them?" Seryosong tanong ni Arthur. Monggi talaga. Natawa ako dahil sa narealize ko ang pagtingin nila sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHA" nakahawak pa ko sa tiyan ko nyan. Shocks! Nawala bigla antok ko.

"Pigilan mo yang kambal mo bro. Nasasapian na naman ng maligno." Dinig kong saad ni Chael. Medyo dinahan dahan ko ang pagtigil sa pagtawa ko hanggang sa tinignan ko sila ng seryoso.

"Whaaat?" Mataray kong tanong.

"See? May saltik talaga." Chael.

"Isa pa Chael." Asar na sabi ko.

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon