Chapter 18.

285 17 11
                                    

Veronica POV

"Ikaw na munang bahala dyan kay Jaydee ha. I'll call her mom para alam nya kung nasan si Jaydee at di na ito mag alala pa. Sige na kambal, I'll hang up na. Bye."

Binaba ko na nga ang phone ko at nilagay iyon sa side table ng kama kung san nakahiga ngayon si Jaydee habang mahimbing itong natutulog. Napalitan na din ni Ate Lourdes ng damit si Jaydee. Nung dumating ako kanina saktong tinanggal na nya yung blindfold nya at nakapikit pa itong tumalikod kay Jaydee. Natawa nga ako kase sinunod nya ang sinabe ko na wag titingin. Sobrang nahirapan daw syang dumiskarte sa pagpalit ng damit kay Jaydee pero nagawa din nya at halos pinagpawisan to. Iniisip ko nga baka kako kaya sya pinagpawisan kase malamang sa malamang ay may nahawakan sya. At inamin naman nya yon. Natukso daw kase sya na kapain ang abs nito. Ibig ko ngang tadyakan kanina pero pinigilan ko lang eh. Inunahan pa talaga ako sa abs nito. Haynako! Inalis ko na nga lang iyon sa isip ko. Tinignan ko ang mahimbing na tulog nito.

Isang oras na din ang nakakalipas mula nung dalin ko sya dito sa bahay.

Sinabi ko na din kay Kuya ang tungkol kay Jaydee. This time nagkakaklase nadin sila. At sya na daw bahala magsabe sa prof kung bakit wala ako sa klase at si Chael naman para kay Jaydee.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ko ang maliit na bangko na nandirito sa guest room. Nilapit ko iyon sa kama at naupo.

Ang gwapo pala talaga nito kahit tulog. Hays! Jaydee sa tingin mo ba magagawa mo rin akong mahalin?

Napagulo ako ng buhok ko dahil sa thought na yon.

"Nababaliw ka na naman Veronica. Si Jaydee yan oh. Mahiya ka nga." Sabe ko out of frustrated.

Nang di nagtagal nakaramdam ako ng bigat sa mata ko kaya dumukdok ako sa kama at pinikit ang mata ko.

Jaydee POV

Dinilat ko ang mata ko nang alam ko na sa sarili ko na gising na ang diwa ko.

Teka, hindi familiar saken ang paligid.

Inikot ko ang paningin ko hanggang sa maalala ko bigla ang nangyare kanina bago ako mawalan ng malay. Langya! Nayakap ko si Veronica out of the blue. Nang makita ko kase sya ay naramdaman ko ang saya at nayakap ko nalang sya. At nagawa ko pang titigan sya habang patuloy lang sa pagpatak ng ulan sa mga mukha namen.

Veronica...

Napabangon ako ng higa kaya't naramdaman ko ang kirot ng ulo ko. Nang may matamaan ako sa paggawa kong paghampas sa kama. Tinignan ko iyon at laking gulat ko nalang na makitang nakadukdok si Veronica ng nakaside view kaya nakita ko ang half face nya sa gawi ko.

Shocks! Bakit sya nandito?

Nilibot ko ulit ang tingin ko. Hindi talaga familiar ang kwartong to. Medyo plain lang ito at medyo hindi ganong maraming bagay ang nandirito.

Binalik ko ang tingin ko kay Veronica. Medyo gumalaw ito kaya bigla bigla akong nahiga at nagkunwaring tulog. Sht! Bakit ko iyon ginawa? Mano pwede namang magpakita nalang sa kanya na gising na ko. Aishh! Ano bang kaungguyan tong nagawa ko.

Kaya no choice ako't nagtulog-tulugan.

"Hm. Tulog ka pa din. Katibay pala." Nagising na nga sya.

Habang nagkukunwari akong tulog ay nararamdaman ko ang paggalaw nya. Ano kayang ginagawa nito?

"Mainit ka pa kaya." Bulong nya at naramdaman ko ang hininga nya. Anong ginagawa nya.

Dug dug dug dug dug

Sht. Yung heartbeat ko.

Bigla bigla ay naramdaman ko na ang noo nya sa noo ko. Nagtagal ito saglit at inilayo na din nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon