"Veronica. Nandyan na yung mga sundo mo sa baba." Sabi ni Kuya Kio galing sa labas ng kwarto ko. Nag aayos na ko para sa magiging lakad namin ngayon doon sa probinsya. Nandon daw kase ang baby Kiera nila Jaydee. Kapatid niyang bunso at 7years old ito kaya't may party party.
"Sige po Kuya. Patapos na din ako." Sagot ko. Nagsusuklay pa ako at nagpo'polbo lang saglit. Hinayaan kong nakalugay ang buhok at chineck ulet yung mga gamit ko sa bag. Mag i'stay ata kame ng dalawang araw don eh. Hindi pa naman sure pero para sigurado ay nagdala ako ng extra damit. Nakasimpleng jeans at tshirt na black lang ako with black shoes.
Bumaba na ko nang maabutan kong mga nanginginain yung limang lalaki sa kusina at masaya pang nag uusap. Lumapit ako at baagyang nakinig sa pinagtatawanan nila.
"Oo. Grabe talaga yung baklang yon. Akala mo maganda, hindi naman mabubuntis." Ha?
"Hahaha! Mas malala kapitbahay nameng bakla, nakikipagjamming sa mga babae para makita naman daw yung kagandahan niya. Litsi, kadiri." Ano bang mga pinag uusapan ng mga 'to? Mga praning ata. Nakasinghot lang?
Pasimple akong tumabi kay Kuya Kio sa upuan. At kinain ko nalang bigla yung pagkaing nakahain don. Naramdaman ko naman na nakatingin sila saken kaya tinigil ko ang pagsubo ko. "Why?" I asked them.
Seryosong tumingin saken si Kuya Kio na katabi ko "N-narinig mo yung m-mga pinag uusapan namen?"
"A little bit." Simpleng sagot ko.
"H-hahahaha. Wag mo na isipin yon ha. Nababading na naman kasi tong kaibigan ng kambal mo." Si Arthuro ang tinutuloy ni Kuya Kio dito. Sya lang naman kase ang huli kong narinig na nagsalita tungkol sa bading. Grabe talaga tong si Arthuro.
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa may natanggap akong text galing kay Shaina. Binasa ko naman yon agad.
Shaina ♡
Goodmorning sleeping beauty. By the way, Kasama ako sa lakad nyo. Suprise! HAHA Si Arthur kase ininvite ako. Kaya magkasama tayong dalawa. See you later Max.
Napangiti naman ako sa message na yon ni Shaina. Buti naman at kasama sya atleast may makakausap akong matinong tao.
"Let's go na." Aya ni Chael.
"Mag iingat kayo ha. Vio, yung kambal mo wag mong pababayaan don. Bilin yan ni Mom and Dad kagabe nung nagkavideo call kame. Kayong tatlo din ha, bantayan nyo to." Napakunot nalang ako sa pagkaprotective nitong ni Kuya Kio. Hindi naman na ko bata kaya.
"Haynako Kuya. Kiss na nga." Then kumiss nako sa cheeks niya and then nagderetso nako sa labas. Inilagay ko yung bag na medyo malaki sa likod ng van na sasakyan namin which is kila Jaydee iyon. Sumakay na din ako sa pinakadulo para makatulog ako, aga kong binulabog ng unggoy kong kambal.
"Dadaanan pa natin si Shaina kaya dalian mo dyan lalake." Pag alburotong wika ni Arthuro kay Chael na nagdidiwara sa labas.
"Sandali lang kase. Kinukulit ako ng kapitbahay nyong bading eh." Napabuga ako sa hangin. Lintik na Chael to.
"Loko ka. Wag mong patusin yan. Kadiri ka! Sakay na. Naiinip na si Shaina don." Bulalas pa nya. Mukha naman tong Shaina.
"Hoy Arthuro ano naba status nyo ng kaibigan ko ha?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Nasa passenger seat sya at pumasok na din si Chael sa driver seat, sya kase ang nautusan magdrive ngayon. Maghahalinghinan naman silang apat dyan, basta ako chill lang dito.
"N-nothing. Tss! Matulog kana nga lang dyan." Sabay harap kay Chael na natatawa tawa pa. "Anong tinatawa tawa mo dyan?"
"N-nothing. Pfft!" Panggaya ni Chael sa nautal na 'Nothing' ni Arthur kanina. Tinapok na lamang niya ito at sinara na ang pinto sa tabi niya. Sumakay na din yung dalawa sa harap ko. Solo ko lang dito sa likod.
BINABASA MO ANG
Am I Falling Inlove With My Twin's Bro?
Teen FictionSi Pia Maxine Veronica Adam ay isang simpleng babae na kapag ginalit mo o inaya mo sa isang away ay hindi umuurong kaya't nung sya'y napaaway sa kanilang university ay kinick out sya kaya't ngayon ay sapilitan syang ipinasok sa mismong university ni...