Chapter 5.

751 40 6
                                    

6 years old ako nung sinama ako ni Dad sa isang mala'palasyong bahay. Binisita nya kase yung adviser nya nung highschool pa lamang sya non. Eh sobrang close siguro kaya ganon. Adi ayun nga pinakilala ako ni Dad non sa adviser niya. Tas after non sa sobrang bored ko nung mga oras na yon ay lumabas ako at tumungo sa......

"Sa garden pala ako napunta." Bulong ko. Ang ganda ng garden nila as in. Parang alagang alaga talaga nila. Nilapitan ko yung punong malaki don. Umupo ako sa ilalim non at sumandal tsaka dinama ko yung malinis na hangin. Sa bored ko ay napapikit ang aking dalawang mata. Hindi ko akalaing makakatulog ako.

Tsuuuup*

Napadilat ako bigla nung maramdaman ang halik na yon. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatingin sakin at gulat na gulat na magising ako.

"Sino ka at bakit mo ginawa yon?" Bungad ko dito. Dinuro ko pa sya non.

"S-sorry bata." Sinugod ko sya pagkatapos niya kong halikan. Oo alam kong bata pako non tapos alam ko na ang halik na word. It's just that, Mom and Dad always do that thing when they're leaving for a while. Goodbye kiss eka.

Sinasabunutan ko sya at medyo pinapalo sa bandang dibdib.

"Waaah. How dare you to kiss my lips. Ang bata bata mo pa. Waaaaah. Susumbong kita kay Dad. DAAAAADDDD."

Sa sigaw ko na yon ay dumating si Dad kasama niya yung nameet kong adviser nya at yung anak nitong lalaki na si Tito Nicollo. Lumapit ako sa kanila, kay Dad at yumakap sa kanyang bewang. Maliit palang kase no.

"Daaaad. Yung batang lalaki na yan." Iyak ko sa kaniya.

"Why? What happened baby?" Tas umupo sya para mapantayan ako. "Baby?"

"Waaaaah. Dad, yung first kiss ko ninakaw niya." Nguwa ko tas tinuro ko yung batang lalaki na nasa kandungan na pala ng kanyang ama na si Tito Nicollo.

"Ginawa mo yon anak?" Gulat na tanong ni Tito sa kaniyang anak.

"Sorry po Dad eh ang ganda po kase niya." Napatawa sina Dad sa sinabi ng anak ni Tito Nicollo.

"Hahaha binata na yang si Eth Eth." Aba talagang sinawalang bahala ni Dad yon. Grabe! Kaya naiyak akong lalo. Pinatahan ako ni Dad non hanggang sa pag uwe namen ay ayun, kinuwento ko yun sa dalawa kong Kuya at anong ginawa nila, Parehas nilang sinawalang bahala yon. Tssssssss.


At yun nga ang nangyare. Kung sino man yung Eth Eth na yon. Tae sya.

Bumalik nako sa room at sumalubong ang nakataas na kilay nitong si Prof.

"Bakit ngayon ka lang Miss Veronica?" Huminto ako at tinignan ko sya ng seryoso kaya't medyo napaatras sya. Tss

Umupo nako sabay dukdok sa desk ko. Mas tatanggapin ko pa ata kung bata pa ko ngayon eh kaso shocks! Dalaga nako at kilala ko pa kung sino ang may gawa non. Goosh! Bakit si Mr. Tss paaaaaaaaaa. Simple akong umiyak habang nakadukdok. Hindi ko malimutan yung ginawa ni Jaydee daw na yon. Bakit pa naging kaibigan yon ni Kuya Vio. Waaaah! KINAMUMUHIAN KITA JAYDEEEEEEEEEE.

"Max........Max....Gising na. Lunch na natin.....Oy Max."

"Hoy kambal....Aba't napakagaling. Talagang natulog at di nakinig."

"Babae ba talaga yan? Grabe mas malala pa sya kesa sayo."

Napadilat ako nung marinig ko ang mga kiti kiting nagbubulungan malapit sakin. Tinaas ko ang ulo ko, na nakasibangot na mukha dahil inistorbo nila ako at bumungad saken ang mukha ni Shaina. Kambal. Yung Athur at yung isa pa at yung hindi ko ginustong makita sa paggising ko......

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon