Chapter 16.

222 20 5
                                    

Veronica's POV

One month passed simula nung ligawan na talaga ni Kuya Vio si Kirsty. Hindi ko nga akalaing magiging ganon kacheesy ang kambal ko. Nais ko ngang sipain palabas ng bahay, di ko lang talaga nagawa non. Naawa ako, pano nalang si Kirsty kung magiging baldado yung mapapangasawa nya.

Hahahaha okay. Medyo nagiging advance na ko mag isip para sa kanila. Eh kase naman masyado nila akong pinapakilig. Tapos bagay na bagay pa. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare ade sana matagal ko nang pinakilala si Kuya kay Kirsty.

Nasa room ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"VERONICA." Nilingon ko yung taong 'yon. At bigla bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Shocks! Ang kaisa isahang taong hindi ko ine-expect na tatawagin ako. Napansin kong lingunan ang mga kaklase kong cheese. Who cares? Tss.

Nang makalapit sya saken ay syang hila nya sa pulsuhan ko. Nakaladkad tuloy ako at tumama yung binti ko sa upuan. Naknang. Buti nalang at di nya napansin yon kaya tuloy tuloy lang sya sa paghila saken.

Tumingin ako sa baba para sana silipin yung binti kong tumama sa upuan. At buti nalang walang galos, kundi masisipa ko talaga 'tong lalakeng nanghaharass saken.

Natawa tuloy ako sa isip ko.

Nahabol ko ang hininga ko nang huminto na rin kame sa wakas. Hays! Ano kayang problema ng isang 'to? Hindi ba nya nahahalata na ayaw ko syang makita. Ni amoy o anino nya ayokong makita manlang. Kase alam na alam ko na sa sarili ko na magiging abnormal 'tong heart beat ko. Naknang! Kahirap talaga iwasan. Sa loob ng isang buwan na yon wala akong ginawa kundi iwasan sya. Kapag napupunta ang topic ng barkada saken na kesyo bakit daw parang may iniiwasan ako.

Lahat sila napapansin na ang pag iwas ko sa lalaking 'to. Di ko din naman alam kung baket nagiging pabebe ako. Ewan ko ba sa lahi namen hahahaha. Teka mabalik nga tayo sa reality. Ang daldal ng isip ko. Easy lang para swabe.

"Baka naman gusto mong magsalita hane? Nakakahiya naman sayo hinila hila mo ko tapos wala ka manlang sasabihin?" Sarcastic kong sambit. Sino ba naman kase ang hindi maasar diba. Haynako! Bakit ba palaging babae ang madalas kaladkarin. Mano lalaki din dapat. Para fair. Porke malalaki lang yung katawan dapat ganon ganonin nalang nila yung malapatpat naming katawan. Sus di pwede. Di ako papayag no. Sa susunod. Sa susunod talaga kapag may kailangan o kaya't kailangan talagang hilahin sya. Hihilahin ko talaga. Yung bang sa sobrang lakas ng kaladkad ko sa kanya yung mukha nya nasa sahig na pero dedma pa rin ang beauty. Ganon. Ganon na ganon talaga.

Napabungisngis tuloy ako dahil sa naisip ng munti kong pretty brain. Hahahaha

"Shut up." Napakagaling naman talaga -_-

Okay. Shut up na nga ako eh.

Nanatili akong tahimik samantalang sya ay sa kung san san lang nakatingin habang nakatalikod saken. Ang bastos din ng isang to eh no. Hihila hilahin ako tapos di ako kakausapin tapos tatalikuran pa ko. Ang bastos lang.

Kaya habang maaga pa at di pa ko napupuno, tahimik akong umatras at tinakasan sya. Kaasar eh. Hige pinagmukha mo kong tanga sa paghiltak mo saken, adi ayan binalik ko lang sayo. Tss

Nang makarating ako sa comfort room ng girls ay agad agad akong pumasok sa pinakadulo ng cubicle. Tinakpan ko yung tapatan ng bowl tapos umupo ako.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako naman ako bigla don.

"Aisshhh. Wala naman na diba? B-bakit ang bilis bilis mo pa?" Mahinang pagbigkas ko habang pinapalo ang dibdib ko baka sakaling mawala ang pagbilis nito at maging normal.

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon