Saglit kaming nagstay sa kwarto para magpahinga. Nang lumipas ang mga oras ay tumungo kame sa rooftop nina Jaydee dito sa bahay nila. Gabi na at makikita mo ang magandang langit habang nagkikislapan ang mga bituin. Feeling ko isa ako sa mga bituin na yan. Napagsasabihang maganda dahil sa nakikita lang nila sa panlabas ngunit hindi nila alam na mahirap itong kilalanin at kung anong klasing ugali ba nasa loob non.
"Kambal tara dito." Pagtawag ni Kuya Vio saken. Naupo ako sa tabe niya at inakbayan naman niya ko. Wala pa sina Jaydee dito. Kami palang ni Kuya at ni Chael. Si Arthuro at Shaina hindi ko alam kung nasan. Minsan nakakapagtaka na yung dalawang yon. Dati rati ayaw nila nakikita yung mukha sa isa't isa tapos ngayon hindi mapaghiwalay. Kinain na ata ng mga sistema.
"May sasabihin kaba?" I asked. Humugot sya ng malalim na paghinga atsaka humarap saken kaya nawala ang pagkakaakbay niya saken.
"Nabanggit ba sayo ni Jaydee yung tungkol sa Ate Mira niya?" Saad niya. Nagulat ako. Pano nya nalaman yon?
"Pano mo nalaman?"
Ginulo niya ang buhok ko dahilan para mapa'pout ako. "Sinagot mo ng tanong ang isa pang tanong." Habang natatawa tawa pa.
"Pasensya naman." Sabi ko sabay tingala at tumingin ulet sa langit. Ang ganda talaga at sumasabay pa ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
"But seriously Kambal. Nabanggit niya hano?" Napatango na lamang ako sa sinabi niyang yon. Totoo naman kase na binanggit iyon ni Jaydee kanina habang tinitignan ko yung mga litrato. "So tama nga ako. Until now ang Ate parin niya ang nagiging dahilan ng pagkalungkot niya. Kaya hindi nagkakagirlfriend eh kase natatakot sya na maiwanan ng mga minamahal niya." Napatingin ako kay Kuya. Nakangisi sya pero halata mong nag aalala sya kay Jaydee. So kaya pala ganon. Ayaw nalang niya ulet na mawalan ng taong malapit at mahal niya. Masakit talaga yon. Di ko maimagine na nangyayare yon kay Jaydee. Sa lalaking palagi akong inaasar noon na akala mo walang problemang dinadala eh. Siguro pampalipas oras niya para malibang sya. Kung alam ko lang adi sana hinayaan ko nalang sya na saktan ako, na bully'hin ako, na ipahiya ako or what so ever.
Anyare Veronica? Bat mo sinasabi yan?
OMO! Oo nga hano. Bakit ko iniisip yon. Geez! Nag aalala lang siguro ako kay Jaydee. Yun lang yon.
"Kilala ko yang kaibigan ko na yan. Kaya siguro ang sungit niya sayo nung una kase baka mamaya maging malapit kayo sa isa't isa lalo na't kambal pa kita. Natatakot nalang sya." Tuloy niya. Ako naman nakikinig lang sa kaniya. Hindi ko kase alam kung ano ang aking sasabihin o kung ano ba talaga ang dapat ireact. "Minsan nga sa sobrang close nila ni Kiera, natatakot sya kase baka mamaya ay kunin din sya." Hindi niya dapat isipin yon. Kung mangyayare man (na sanay hindi) ay ang Diyos lang ang nakakaalam at may dahilan ang lahat ng nangyayareng iyon.
"Hindi ko pa pala talaga kilala yang kaibigan mo Kuya Vio." Sabay tingin sa kaniyang mata. Nagtaka naman sya at parang naguluhan sa sinabe ko. "I mean, masyado ko syang najudge date kahit di ko pa naman sya kilalang lubos." Sabay iwas ng tingin. Nilingon ko ang dumating na si Shaina na kasunod si Arthur kaya't nawala ako sa pinag uusapan namin ni Kuya. Dinuro ko pa ang dalawa sabay sabing, "Hoy san kayo galing?" Narinig ko nalang ang pagtawa ni Kuya sa likod ko. At sabay na nagkatinginan yung dalawang nasa harap ko na ngayon.
"What do you mean lady?" Wika ni Arthur. Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang yon. Painosente pa ang lalake. Sinamaan ko sya ng tingin, "Okay okay. Chill kalang. Tumulong lang kame sa baba. Palibhasa kase ikaw gusto mo yung kakain kana lan---Araaay." Binunsulan ko kase sya dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa dulo. "Kasakit langya! Babae ba talaga tong kambal mo Vio. Mas lalaki pa sayo eh." Patuloy pa niya. Narinig ko nalang na tumawa saglit si Kuya.
"Easy lang Max. Namomonggi na naman itong si Arthur." Saad ni Shaina sabay pingas sa tenga ni Arthur at hinila don sa tabi ng ihawan. Magb'barbeque kase kame. Hinihintay nalang yon kase pinapatusok pa ata.
"Siga ka talaga Veronica." Ani Chael.
"Tss."
Nagstart na kaming mag ihaw at sino ang kasama ko na mag iihaw? Walang iba kundi si..
"So Veronica nagkaboyfriend kana ba?" Tanong ni Chael. Oo ni Chael sya ang nakasama kong nakaassign dine
"Not yet. And wala pa sa isip ko iyon." Saad ko dito habang nagpapaypay.
"Weh? Totoo ba? Eh balita ko isa kang monster sa pagboboyfriend." Sabi nya ng natatawa kaya't napatingin ako sa kanya ng seryoso.
"What? Monster? Are you kidding me Chael?" Masungit kong bigkas. Natatawa tawa pa sya habang nagssign ng 'okay okay'
"Chill lang Veronica. Binibiro lang eh. Masyado kang defensive HAHA."
"Tadyakan kita sa alaga mo eh. Tss." Sabay irap sa kanya at nag ihaw na. Huminto na din sya baka natakot na matadyakan ko si junjun.
Pagkatapos naming mag ihaw ay inihain na namin don sa table. Ang daming pagkain. Para kaming mag boodle fight. O baka yun na yon!
"Kambal. Paki kuha nga saglit yung knife dyan sa tapat mo." Inabot ko din naman yun agad sa kanya.
"Gagawin mo dyan?" I asked.
"Magbabalat ng manga. Sawsawan natin." He said while smiling. Sarap nun ah. Omaygossh! Nagutoms tuloy ako.
Naupo ako saglit dahil sa pagod. Nilingon ko si Arthur at Shaina na nagtutulungan sa pagtimpla ng juice while si Chael naman ay inaayos yung puno ng saging, so boodle fight nga kame nyan. Si Kuya naman ay nagbabalat ng manga. Hm! I looked at Jaydee. May kausap sya sa phone. Pero binaba din yon agad. Nakangiting sinalubong ni Jaydee ang mata kong nakatingin sa kanya.
Napaiwas ako bigla. Nahuli nya ko. Nakakahiya........
"Hey!" Pagtawag nya. "Tired?" Dagdag pa nya.
"A little bit." Eka ko. Naramdaman ko ang pagtabi nya sa katabi ng upuang inuupan ko. "Okay kalang ba Jaydee?" Bigla kong tanong sa kanya. Hindi ko din alam kung baket ko iyon natanong sa kanya. Haaays! Baliw ka Veronica.
"Oo naman.....Kung iniisip mo yung kanina. Don't worry. I'm okay! I'm just missing her badly." Ngumiti syang tumingin saken. Kaya't napangiti nalang din ako lalo na't nakita ko din yung ngiti nya sa kanyang mata. Bakit ganon yung mata niya, pag walang araw gray yon tapos pag nasa liwanag naman ay brown na brown ang mata. Ano ba talaga permanent na kulay niyan.
"Jaydee pwede magtanong?"
"What is it?"
"Ano ba talaga kulay ng mata mong yan? Minsan kase gray madalas naman brown. Medyo magulo kase. H-hehe." Sabay hawak ko sa batok ko dahil napanonsense ng tanong ko.
Natawa sya ng baagya. Sabe na eh ginagawa ko lang katawa tawa sarili ko dine. "Nakadepende ang kulay ng mata ko sa mood ko. Ewan ko kung napansin mo yon, bahala kanang intindihin." Sabay tayo. Ha? Ano daw! Tinignan ko ang likod nyang naglalakad patungo kay Chael na pinupunasan ang dahol ng saging.
Nakadepende sa mood yung kulay ng mata niya. Meron ba non? Hmm. Inalala ko yung mood nya nung araw na nakita ko ang gray na kulay ng mata niya, yun yung araw na inis pa kame sa isa't isa. So pag gray ang kulay it means inis, galit at asar sya ganon. Kapag naman brown ay sakto lang kumbaga okay sya at masaya naman. Basta okay sya pag brown ang kulay non. Tama ba? Ayun ba yon Jaydee? Yun ba ang mood na yon.
Napagulo ako bigla sa buhok ko. Tss
Bakit ko ba pinoproblema yon? Ikaw talaga Veronica oo.
-
A/N: Hi there readers. I'm sorry if ngayon lang. It's just that I'm a little bit busy sa school work. Puro projects kame that's why. Malapit na exam kaya kailangan kong ayusin ang mga requirements na kailangan by subject. And thanks for the support. Tsaka sa paghihintay ng update ko.
Vote and Comment pleaseee.....
BINABASA MO ANG
Am I Falling Inlove With My Twin's Bro?
Teen FictionSi Pia Maxine Veronica Adam ay isang simpleng babae na kapag ginalit mo o inaya mo sa isang away ay hindi umuurong kaya't nung sya'y napaaway sa kanilang university ay kinick out sya kaya't ngayon ay sapilitan syang ipinasok sa mismong university ni...