Chapter 17.

210 15 1
                                    

Jaydee POV

Hindi ko talaga malimutan yung nangyare kahapon.

Diba nga hinila ko sya, eh ang ayos namen nasa unahan ako at nakatalikod sa kanya. Kaya pala kako biglang tumahimik yun pala wala na sya sa likod ko. Tss.

Gusto ko lang naman syang kausapin tungkol sa pag iwas nya saken. Dahil mababaliw na ko kapag di ko pa sya natanong sa ayos nyang yon.

Oo naiinis ako. Naiinis din ako sa sarili ko lalo na't hindi ko alam kung baket iwas saken si Veronica. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang hindi maganda sa kanya.

"Bro? Anong ayos yan?" Boses ni Vio yon kaya di ko na sya nilingon pa. Tumabe sya saken, bali nandito kame sa ground area. May malaking puno dito kaya masarap na tambayan din.

"Nothing bro."

"Wews? I know you a lot bro. Babae yan 'no? Hmm. I guess si Veronica. Yung kambal kong surat? Tama ba?" Medyo natawa ako sa surat word nya. Ang dami talagang alam ng isang 'to oo.

"Tss. Asar naman kase yang kambal mo bro. Bigla bigla nalang hindi mamamansin. Wala naman akong ginagawa. May galit pa ba saken yon?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakafocus kase ko sa damo na binubunot ko. Medyo nahihilo din kase ako kaya ginusto ko nalang na yumuko't maglibang sa pagbunot ng mga damo.

Hays bakit ba kase bigla bigla nalang umiiwas yung babaeng 'yon saken.

"Di ko pa nakakausap ang kambal ko tungkol dyan. Di ko nga din alam kung ano na namang sumapi sa babaeng yon." Saad nito.

"Kambal mo pero di mo inuusisa. Tss." Sabe ko pero tuloy padin sa pagbunot sa damo. Malinis ang damo dito masarap ngang hawakan eh kaya di ganong nadudumihan kamay ko.

"Eh bakit ba ang big deal sayo ang pag iwas ng kapatid ko sayo?....May hindi ba ko nalalaman?" This time napatingin ako sa kanya at na pahinto sa ginagawa ko. That question really hits me. Bakit nga ba? Sa totoo lang mas maganda ang hindi kami ganong magkalapit. Dahil ayoko talaga ang makipagclose masyado pagdating sa mga babae. Naaalala ko si Ate Mira.

Matagal akong nanahimik. Bakit nga ba?

"Mukhang obvious na ang sagot sa tanong ko. Hahahahaha sigena pasok na ko start na ng class namen eh. Ikaw din. See you bro." Di ko na sya pinansin. Nakaalis na sya na hindi manlang ako nakapagsalita.

Bakit nga ba ang big deal saken ng pag iwas saken ni Veronica?

Napagulo ako bigla sa buhok ko. Nang maramdaman ko na may tumabe na naman saken dito.

"Kaya pala wala ka sa room. Buti at absent ang prof subject natin." Si Chael pala. Kaklase ko sya sa 11-B.

After non nakibunot na din si Chael sa mga damo.

"Bro si Veronica oh." Biglang sabe nya

"Saan?" Bigla akong napapoker face nang marealize ko ang ginawa ni Chael. Tss. Bakit ba naniwala ako agad dito? Alam ko namang niloloko lang ako. Pero kase nagbabakasakali nalang siguro ako.

"Hahahahahaha bro. Di ko akalaing maiinlove ka talaga dyan sa kambal ni Vio. Biruin mo, girl version ng bro naten. So it means kung naging babae lang si Vio maiinlove ka din sa kanya." Natawa nalang ako sa ani nya.

Di ko maimagine na maging babae si Vio. Pero agad ko ding narealize ang unang sentence nya.

Di ko akalaing maiinlove ka talaga dyan sa kambal ni Vio.

Like seriously? Napahinto na ko sa ginagawa ko. Bakit ba kung ano ano nalang sinasabe ng mga bro ko. Kanina si Vio. Then now si Chael. Ang weird nila.

Am I Falling Inlove With My Twin's Bro? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon