Chapter 1
Dear Heart, ako nga pala si Melody. Simple. Hindi naman maganda. Hindi rin pangit. Siguro masasabi kong I'm in between. Hindi marami ang kaibigan ko. I only have Anna my closest friends. Hindi ako palakaibigan. Hindi naman ako suplada o isnabera pero naniniwala kasi ako na hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan sa paligid mo. One or two friend will do. Kung mayroon kang sampong kaibigan, kailangan bawat isa sa kanila ay kilalanin mo. And I am not like that. I only keep one friend. One true friend.
Another thing, siguro dahil I hate commitment. Hindi ko ikino-commit ang sarili ko sa isang tao because the thing is, I hate goodbyes. Mahirap 'yung i-oopen mo ang sarili mo tapos bandang huli, aalis lang pala sila. Parang pag ganun kasi, pakiramdam ko, nakukuha nila ung kalahati ng sarili ko sa pagalis nila.
"Melody! Melody!" tumigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na 'yun. Lumingon ako at nakita ang nakangising mukha ng sikat na si Daniel Cain sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Anung kailangan mo sakin?" tanung ko.
Ngumisi sya pagkatapos ay dinilaan ang ibabang labi nya. Sinundan ko 'yun ng tingin.
"Sungit mo naman, nabalitaan ko kasing kagrupo ka namin sa project natin sa Literature. Tamang-tama, mahilig kang magbasa diba? Ikaw na bahala sa akin ah." Aniya.
Kumurap-kurap ako at pinagmasdan sya. Si Daniel Cain ang pinakasikat na lalaki dito sa school namin. Bukod sa galing sya sa isang sikat at mayamang pamilya at talagang gwapo sya. Kasali din sya sa varsity ng basketball dito school namin.
Hindi sya yung tipong suplado. Hindi kasi ganun ang personality nya. Kwela sya, easy going at oo, friendly pero palaging may motibo. And base on my observation, babaero sya.
Bumuntong-hininga ako.
"Anung ibig mong sabihin na ako ng bahala sayo?" tanung ko.
"I mean, ikaw na bahala sa part ko. Okay lang naman diba? Medyo busy ako sa basketball practice. Wala na akong oras para makipagparticipate pa sa project." Kumunot ang noo ko. "By the way, I'm glad dahil napasama ka sa grupo namin." Aniya.
Hindi ako sumagot kaagad pagkatapos ay binalingan ng tingin ang mga kabarkada nyang nagbubungisngisan sa likuran. Hindi ko alam pero na se-sense kong china-challenge nila si Daniel para mapapayag ako. Kasi naman, sa lahat ng babae sa room, sa akin lang sya hindi nakakaporma.
"Sorry. Pero sa pagkakalam ko, mayron tayong designated part para sa project na 'to. I'll do my part and you'll do yours." Diretsyong sabi ko.
Nakita ko kung paanung tumaas ang kilay nya ng dahil sa sinabi ko.
"Ha?" Aniya.
"Kung busy ka, pwede namang magpa exempted ka nalang sa project na 'to katulad ng palagi mong ginagawa sa ibang subject. Sabihin mong busy ka o wala kang time I'm sure maiintindihan ng mga teachers 'yun kasi nga diba, varsity ka?" sabi ko.
Mukhang medyo na-offend sya.
"Wait, so sinasabi mo na hindi mo ako matutulungan? Aren't we groupmates?"
"Yes. We are. And that's the point, we are groupmates. Ibig sabihin hindi lang dapat isang tao ang gumawa para sa project na ito. Kaya nga groupmates diba? So sorry, kung gusto mo, magpatulong ka nalang sa iba." Sabi ko at tinalikuran sya.
Nakita ko ang pagkalaglag ang panga ng dahil sa sinabi ko at ang pag 'whoo' ng mga kaibigan nya sa likod. Gwapo sya, Oo. Ang problema alam nya rin ng gwapo sya kaya ginagamit nya 'yun para makuha nya ang gusto nya. Alam na alam ko na kasi ang style nya. Classmate ko na sya simula pa first year highschool at hanggang ngayong fourth year na kami ay hindi parin sya nagbabago. Ni hindi ko nga alam kung paanu sya pumapasa gayung halos wala naman syang pinapasukang klase at puro lang sya pagba-basket ball.
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Short StoryIs it possible to be friends with someone who broke your heart?