Chapter 9

1.3K 47 0
                                    


Chapter 9

Natapos ang isang sem. Panibagong sem na naman at gulat na gulat ako sa naging pagbabago sa mga section namin. Surprisingly, hindi kami naging magkaklasi ni Daniel sa ilan naming mga subject dahil may mga back subject pa syang kinuha. Sa isang subject lang kami naging magkaklasi at hindi pa major iyon kaya naman wala akong narinig kundi ang reklamo nya nung araw na nagpa enroll kami. Wala rin naman akong magawa. Isa pa, irregular naman na talaga sya so it can't be helped.

"Nakita mo na ung mga list ng student na nakaenrol sa subject na 'to?" siniko ako ni Anna. Binalingan ko sya ng tingin pagkatapos ay umiling-iling.

"Hindi pa. Bakit?"

"Classmate natin si Cross."

Nagulat ako pero hindi ko na pinahalata pa sa kanya.

"Ha? Ah. Talaga."

"Yes. Pero dito lang naman sa subject na 'to. Transferee sya diba? Kaya irregular. Ayon, kinuha nya pala 'tong subject na 'to this sem." Aniya.

Kumurap-kurap ako.

"And guess what.."

"Ano?"

"Alfred told me... classmate daw ni Daniel si Steff in almost all of his subject. Coincidence or not?" Natawa pa sya pero ako ay hindi.

"T-talaga?"

"Walang sinabi si Daniel sayo?" gulat nya akong nilingon.

Yumuko ako at bumulong. "Wala."

Yumuko ako ng may maramdamang kung anu sa puso ko. Bakit? Isang lingo na magmula nung pasukan. Walang binabanggit si Daniel na kahit anu tungkol doon. Bakit? Sinadya ba ni Steff? Nagkita na ba sila? Hindi. Hindi ko dapat sya pagisipan ng ganun. Lumunok ako at tumingin sa orasan. Maguumpisa palang ng klase nasa classroom na ba si Daniel? Nagkita na ba sila ni Steff? Bakit wala syang sinasabi? Geez.

Katulad ng iba na tuwing unang araw na klase ay kadalasang walang prof kaya naman walang ginawa ang mga classmate ko kundi ang magbulong-bulungan tungkol kay Cross na matikas na nakaupo di kalayuan sa amin. Ako naman, wala ng ginawa kundi ang balingan ang orasan. Gusto ko na kasing lumabas ng classroom. I just wanted to end this subject already.

Yumuko ako sa aking desk at pumikit.

Classmate ko si Daniel sa susunod kong subject. I want to see him already.

"Hindi mo ba napapansin na kanina pa titig na titig si Cross sayo?" Siniko nya ako. Sumimangot naman ako sa kanya.

"Anna, anu bang pinagsasabi mo?"

"Baka crush ka nya?"

"Alam mo ikaw, issue ka." Umirap sya.

"Di. Hindi ah! Alam na alam ko ang mga tinginang ganyan. I'm just stating the fact. Ung mga ganyang malalagkit na tingin, alam na alam ko yan no." Aniya.

Natawa ako sa with feelings nyang explanation.

"Baka pag nalaman ni Dan na classmate kayo mabadtrip un. Banas 'yun kay Cross diba?" Ngumisi sya. "Naiimagine ko na magiging reaction nun pag nalaman nya."

"Anu bang dapat nyang maging reaksyon? Hindi din naman nya sinabi sa akin na classmate nya pala si Steph.

Tinignan ako ni Anna. Tinignan ko rin sya at nakita ko ang mapanuring tingin nya sa akin. Para bang may nakikita syang kung anu sa mukha ko. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanung ko sa kanya.

"Ikaw, magsabi ka nga ng totoo sa akin, In love ka pa rin kay Daniel diba?" tanung nya.

Dear Heart (Xavier Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon