Chapter 3
Hilo akong bumangon sa kama pagkatapos ay ginusot-gusot ang mata ko. Kumunot ang noo ko dahil naalala ko ang mga nangyari kagabi. I bought Dan here with me last night dahil lasing na lasing sya. After that, hindi ko na alam ang nangyari. I just remembered staring at his sleeping face that night tapos siguro ay nakatulog na ako pagkatapos noon.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa kusina. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya doon na nagluluto doon ng kung ano.
"What are you doing?" tanung ko habang nagkakamot ng ulo.
Lumingon sya sa akin habang may hawak pang sandok. Tumaas ang kilay ko ng makita syang suot ang aking apron habang walang pangitaas na damit. Magulo ang buhok nya at mapula ang tigang nyang labi. Lumunok ako. I didn't even bother to look myself in the mirror. Na cu-concious tuloy ako ngayon. He look so good in the morning. Gawd.
"Oy. Good morning. Obvious ba? I'm cooking breakfast." Aniya.
Sumimangot ako. Dumiretsyo ako sa ref at kumuha ng tubig doon.
"Bakit di ka pa umuwi?"
"Sungit mo naman. Syempre I want to cook for you para makapag thank you sa pagaalaga mo sa akin last night." Aniya.
"I didn't take care of you. I just simply lay you down in my bed and that's it." Uminom ako ng tubig.
"Weh? Hindi daw. Talaga? Eh, bakit nasa tabi kita nung magising ako?" tanung nya
Natigilan ako ng dahil doon.
"N-nakatulog ako."
"Bakit ka nakatulog sa tabi ko? Did you watch me all night?" tumaas ang kilay nya.
Nagulat ako sa tanung nya sa akin. Pumula ng todo ang pisnge ko ng dahil doon.
"B-bakit ko naman gagawin 'yun!?" medyo tumaas ang boses ko.
Humalakhak naman syang parang baliw.
"Easy. I'm just kidding." Aniya.
Lumunok ako. Nagpatuloy sya sa pagluluto samantalang ako naman ay hindi maalis ang titig sa kanya. Siguro, kaya ung mga kaibigan namin ay hangang-hanga sa aming dalawa dahil we remain as friends sabila ng katotohanang may something sa amin noon. Daniel is my ex and we magically became bestfriends. Hindi daw nila ma imagine na pwedeng mangyari 'yun. Ako rin naman. With all the feelings I have for him, I can't believe I agreed to be his bestfriend.
Is it hard? Yes.
Is it painful? Yes.
Pero bakit hindi mo magawang tumigil? I honestly don't know.
"Anyway, A-are you serious?" tanung ko.
Nilingon nya ako.
"Ha? Saan?"
"Kay Ella." Sabi ko.
Tumigil sya pagkatapos ay tumitig sa akin.
"What do you think?" tanung nya.
Lumunok ako pagkatapos ay tinitigan din syang mabuti. Hindi ko maipaliwanag kung anung klaseng emosyon ang nasa mga mata nya. It's kinda like testing me or he's kinda like he's reading kung anu 'yun nasa isip ko ngayon.
Nagiwas ako ng tingin.
"I-I think you're not. H-hindi ka naman kasi nagseseryoso talaga, Daniel." Sabi ko.
Ngumisi sya.
"Yeah. You're right."
"Kaylan mo ba titigilan nyang paglalaro mo?"
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Short StoryIs it possible to be friends with someone who broke your heart?