Chapter 7
Binalot ko ang sarili ko ng kumot. Nilalamig ako kahit na hindi naman bukas ang aircon o electric fan. I don't know but Daniels presence gives me chills. Nakahiga ako sa kama habang sya naman ay nakahiga sa sofa. Hindi ako makatulog. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang set-up namin. Hindi ko alam kung bakit nakahiga sya sa sofa e karaniwang nagtatabi naman kami dito sa kama ko noon. Hindi naman sya nagdadalawang isip matulog sa tabi ko noon kahit na hindi nagpapaalam sa akin. Siguro, ayaw lang ni Daniel na maging uncomfortable ako.
Dinilaan ko ang ibabang labi ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga halik nya kanina. Hindi ko sya magawang itulak palayo, ni hindi nga ako makapagsalita. Hindi gumagana ang systema ko habang ganun sya kalapit sa akin. What the hell is happening to me? I am really going to lose my mind everytime na ganun sya kalapit sa akin?
"Hey. I told you to sleep already." Nagitla ako ng marinig syang magsalita. Crap. So hindi parin pala sya natutulog? Lumunok ako at nagkagat-labi.
"Can't sleep." Bulong ko.
Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong-hininga.
"Can't sleep too." Bulong nya pabalik.
Hindi ako sumagot at pumikit ng madiin. Come on. I want to sleep already. Ayoko ng dugtungan ang paguusap na 'to.
"Melody." He hissed.
Kumurap-kurap ako.
"Are you thinking about the kiss? Dapat ba hindi ko ginawa 'yun?" tanung nya.
Kumalabog ang dibdib ko. Anung klaseng tanung yan?
"W-why are you asking that? Mahilig ka naman talagang gumawa ng mga bagay na ganun kahit hindi ka nagpapaalam." Ngatal na sabi ko.
I heard him chuckled. Nanlaki ang mata ko.
"So, you mean ok lang na gawin ko ulit un sa susunod basta magpapaalam ako?"
Pumula ang pisnge ko kaya napatayo ako sa kama. Binalingan ko sya ng tingin at nakita kong nakaharap na pala sya sa akin at pinagmamasdan ako. Natigilan ako at pinagmasdan ang mata nyang nangingislap sa kakarampot na ilaw galing sa aming lamp shade.
"I didn't mea-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong kumilos sya at naglakad palapit sa akin.
"Oh? Bakit?"
"Can I sleep beside you?"
"Ha? N-"
"Why? Nagtatabi naman tayo noon ah." Aniya at tumabi sa akin. Kumuha sya ng kumot na nasa katawan ko at ibinatong din sa katawan nya.
Inirapan ko sya pagkatapos ay muling humiga sa kama. Tumalikod ako sa kanya at muling binalot ang sarili ko ng kumot. Naramdaman kong humiga sya sa tabi ko. Pumikit ako ng mariin ng dahil doon.
"Tss. Nevermind. Ginagawa mo naman talaga kung anung gusto mo." Bulong ko.
"Are you mad because of the kiss?"
"Stop talking about the kiss Daniel."
"Hm? I can't. Gusto ko ng malaman ang sagot mo. I'm getting impatient here Melody."
Oh Fuck.
"Hm-"
"Don't get mad. Tell me what you want, Melody and we'll have it your way." Bulong nya sa likod ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko
"You.. you always do what you want. H-hindi ka nakikinig sa akin.." nangangatal na sabi ko.
"Uh, Okay.." Paos na bulong nya pagkatapos ay mas lumapit sa likuran ko. Kumalabog ng todo ang dibdib ko ng dahil doon.
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Short StoryIs it possible to be friends with someone who broke your heart?