Guys i recently started my youtube channel. My youtube name is 'itsJoyMolina' if you have time, please check it out. Thank you. :)
-
Chapter 5
Sometimes, Daniel words confuses me. Hindi ko talaga sya maintindihan. He's so overprotective to me to the point na nagkakaroon na ng maling understanding ang mga tao sa amin dahil sa mga ikinikilos nya. He always clings to me na para bang ako ang buhay nya. Kung nasaan ako, andoon sya. Kung hahanapin mo si Daniel, hanapin mo muna ako dahil paniguradong nakasunod sya. Nagiging malaking parte na sya ng pagkatao ko at ng buhay ko. I just can't let him alone. Kahit na minsan ay naiinis ako sa kanya dahil sa walang sawang pagsunod nya sa akin at sa walang sawang pangingialam sa buhay ko ay hindi ko parin kayang iabanduna sya. I just can't let him alone. Kahit na inis ako sa kanya, in the end of the day hindi ko parin sya natitiis.
Daniel probably don't know this. Talagang hindi nya naiintindihan. Doing those kind of things like being so protective to me only intensifies my feelings for him and I know it's not good.
I am trying. But I feel like I'm not trying enough. Dahil kahit na ilang beses kong pilit na takbuhan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinihila parin ako nito pabalik. Paulit-ulit.
"Daniel, it's enough. Let go of me already." Halos bulong ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin sya bumibitaw sa akin. Mahigpit parin ang yakap nya sa akin at hindi parin ako pinapakawalan.
"Melody." Bulong nya sa tenga ko. Pumikit ako dahil kinilabutan ako ng dahil doon Oh geez. We really need to stop here.
"Daniel, ok na. Stop sulking already. I told you that I believe in you.." Sabi ko.
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap nya sa akin. Bumuntong-hininga sya at tinignan ako. Kanina pa sya parang may gustong sabihin pero hindi nya maituloy-tuloy. His eyes are full of doubts and fears. Hindi ko alam kung bakit.
"Daniel, are you okay?" tanung ko.
"Melody, listen to me." Aniya.
Lumunok ako at tinitigan sya.
"I'm going to tell you everything tungkol sa sinabi ni Cross sayo. I'm going to tell you the truth."
Kumunot ang noo ko. Hinawakan nya ang balikat ko.
"I want to be honest with you. Hindi ko 'to sinabi sayo kasi natakot ako. I was so afraid na baka kapag nalaman mo, lumayo ka na naman sa akin and I can't afford to lose you again." Aniya.
Okay. "W-what is it, Daniel?" tanung ko.
"Si Steph. Totoong naging karelasyon nya si Cross."
Nanlaki ang mata ko.
"But I did not stole her from him. Nakalaban ko si Cross sa basketball dati. Nagkaroon kami ng practice game noon. Steph was there. She saw me that time, planu ko na talagang pormahan sya. I got her number, we texted and call each other for a few days but when I found out that she's in a relationship I immediately stop." Aniya.
Suminghap ako. Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig ang lahat ng ito ngayon.
"Kung ganun bakit.. bakit naging kayo parin?" tanung ko.
"Days after, she broke up with Cross at sinabi nyang gusto nya ako. Naging kami and tumagal nga kami ng isang taon." Aniya.
Yumuko ako.
"What I said before was true. Steph is such a sweet and innocent girl. Alam ko at ramdam kong mahal nya talaga ako and I, uhm, like her too."
Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko ng dahil sa sinabi nya. Ouch.
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
ContoIs it possible to be friends with someone who broke your heart?