Prologue:
"Oy! Anu Melody Escalante tulala ka na naman dyan?" Siniko ako ni Anna habang nakapangulambaba ako at nakatanaw ako sa ibaba. Narito kasi kami ngayon sa fourth floor para sa isa naming minor subject na hindi naman pinasukan n gaming professor.
Nilingon ko sya. Nakataas ang kilay nyang laging on fleek sa akin.
"Hindi no! Sinong tulala?" Inirapan ko sya.
"Sino ba kasi yang sinisilip mo dyan?" tanung nya pagkatapos ay dumungaw din sa bintana. Sumimangot sya pagkatapos.
"Ay ang galing. Kala ko naman kung anu, nakatanaw ka lang pala dyan sa bestfriend mo na saksakan ng kati sa katawan." Aniya.
"Hindi sya tinitignan ko." Dahilan ko.
"Eh, sino pala? 'Yung Janitor?" Aniya.
Hindi ako sumangot at ngumuso nalang. Pinapanuod ko lang naman ang bestfriend kong pinuputakte na naman ng babae doon sa ibaba habang naglalaro ng basketball sa open space ng school kasama ung mga classmate nya. Siguro, hindi rin pumasok ang professor nila. First day kasi ng school ngayon.
"Ang hirap kasi dyan sa bestfriend mo, punong-puno ng kakatihan sa katawan. At ikaw naman, ang hirap naman sayo wala ka ng ginawa kundi ang alagaan yang bestfriend mong pasaway. Parang hindi ka nya bestfriend eh, para kang nanay." Aniya
Sumimangot ako.
"Hindi naman."
"Sus. If I know, inlove ka parin sa bestfriend m-"
Nanlaki ang mata ko at kaagad na sinugod sya para takpan ang bibig nya.
"Hoy! Anu kaba! Baka mamaya may makarinig sayo!" Sabi ko at tumingin-tingin sa paligid. Sumimangot sya.
"Echosera ka! Bakit? Kasi totoo? Guilty ka, ganun?"
"Hindi ah! Hindi ako in love doon! Tsaka hindi naman talaga ako na inlove doon!"
"Sus.. kahit nung highschool tayo na naging kayo?"
"Hindi nga!"
"Baka naman nagprepretend ka lang, girl? Kasi diba, you were pretty serious about him before-"
"Tumigil ka na nga. Hindi ako nainlove sa kanya no. At hindi ako in love sa kanya." Sabi ko.
Umismid sya.
"Sige deny pa more. Para naman wala kaming dalawa ni Alfred noong mga panahon na 'yun."
"Wala nga. Wag nyo ng ipilit. Y-yung samin dati, hindi naman seryoso un."
"Si Dan hindi siguro seryoso, pero ikaw? I know you're serious about him." Aniya.
Umiling-iling ako pagkatapos ay inilagay ang bag ko sa aking balikat at umiling-iling.
"Push mo yan." Sabi ko.
"Ipu-push ko talaga 'to. Galing mag pretend, pwede ng artista. Sus. Wag ako friend!" sigaw nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng aming classroom. Daniel Cain Xavier, my bestfriend since highschool. Hindi ko alam kung paanung nangyaring nagging mag bestfriend kaming dalawa. Hindi naman kasi kami nagkasundo na magiging magbestfriend kami, biglang isang araw nalang, he just addresses me as his bestfriend at sinakyan ko na lang.
That guy belong to a well-known family. Sikat sya sa school kahit noong highschool pa kami. Gwapo sya. Oo. Gwapo sya. Ang problema, alam nya ring gwapo sya kaya ang hangin-hangin. Ang dami laging nakapaligid sa kanya. Mapa lalaki o babae. He was once voted as the most popular man in our school. Totoo naman, sikat naman talaga sya.
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
NouvellesIs it possible to be friends with someone who broke your heart?