Chapter 8
Everything becomes awkward pagkatapos noon. Hindi ko na magawang magsalita dahil hindi na naman ako nakakarelate sa pinaguusapan nila. They're just basically talking about their past at syempre, hindi naman ako pwedeng sumabat dahil wala naman akong alam sa nakaraan nila. Kaya wala akong ginawa kundi ang lumamon nalang kahit na pakiramdam ko ay hindi ko naman malunok ng mabuti ang kinakain ko at hindi naman ako natutunawan.
"Pagkatapos ng isang taon ko dito, nagtransfer ako sa isang all girls school malapit sa bahay ng Ate ko since tumira ako sa kanya ng isang taon. But then again, hindi ko talaga nagustuhan. So, after a year bumalik ulit ako dito sa University natin." Aniya.
Ngumuso ako. Oo nga pala. Hindi transferee si Steph. Dati na syang nagaral dito noon. Bumalik lang sya ulit dito ngayon.
"Kaya lang mahirap, kasi irregular na ako. Halos wala na ung mga kakilala ko dati. Hindi ko na classmates." Natawa sya. "I heard, irregular ka rin ah. Pwede patingin ng sched mo? Baka mayroon tayong parehas." Maligayang sabi nya.
Nagangat ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Daniel sa akin pero hindi ko sya nilingon pabalik.
"U-uhm. I don't think na may parehas tayong subject, Steph." Tikhim ni Daniel.
Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Steph. Nakaawang ang labi ko habang pinagmamasdan sya. Sobrang ganda nya talaga at kapag pinagtabi mo sila ni Daniel hindi naman talaga maitatanggi na bagay na bagay sila. Great. Kinakain na naman ako ng insecurities ko. Ang galing mo talaga, Melody.
"A-ah. I see. Sayang naman. Akala ko kasi madalas tayong makakapagkita. Matagal na kitang tina-timingan sa University pero hindi kita naaabutan. Siguro nga magkaiba tayo ng schedule." Malungkot na sabi nya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi sumagot si Daniel at nagpatuloy lang sa pagkain. Bumuntong-hininga ako dahil nakikita ko ang kirot sa mukha ni Steph dahil sa coldness sa kanya ni Daniel.
"I think you should hurry up." Bulong ni Daniel sa akin. Tinignan ko sya at nakita ang guilt sa mukha nya. Is that for me? Or for Steph?
"Dan, doon ka parin ba sa dati mong gym? I'm planning kasi na bumalik doon. Maybe, pwede tayong magsabay next tim-"
"I don't gym na doon, Steph. Sa bahay nalang ako nagwo-work out o di kaya sa apartment ni Melody." Diretsyong sabi ni Dan sa kanya.
Nanlaki ang mata ko. Nagangat ng tingin si Steph sa akin.
"Ah- uhm- He sometimes stay sa apartment ko. M-minsan lang." Pilit akong ngumiti.
"Ah. Talaga. I'm surprised. Sa bahay ko kasi hindi sya nags-stay manlang ng matagal. I can see na sobrang close talaga kayong dalawa." Malungkot na sabi nya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ang kirot sa akin dibdib. Bakit ganito?
"Steph, I think you should go to your class."
"Ah? Maaga pa naman. Mag o-one o'clock palang. Hindi ba pwedeng sumama muna ko sa inyo? It's still early-"
"May pupuntahan pa kasi kami." Ani ni Dan.
Bumagsak ang balikat ni Steph.
"A-ah. Ganun ba." Pumula ang pisnge nya.
Kinagat ko ang ibabang labi at hindi nagsalita. Nagiwas ako ng tingin dahil naiinis ako sa sarili ko. Naaawa ako kay Steph. Daniel is not showing any interest kahit na halatang-halata naman kay Steph na gusto nya parin si Daniel. I feel bad for her but I can't say anything. Hindi ko magawang pigilan si Daniel sa ginagawa nyang pagiwas kay Steph. Bakit? Nakakainis.
![](https://img.wattpad.com/cover/96358601-288-k140338.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Short StoryIs it possible to be friends with someone who broke your heart?